Monday, March 31, 2014

PANSIT SA PANAHON NG TAG-ARAW

Oo, dahil may mga mahahalagang bagay ang naganap ngayong buwan. 

Una ay narating ko din ang Amsterdam sa wakas.

Diyan ko inaalay ang ramen na naging pananghalian ko sa Schipol Airport.




Pangalawa ay umuwi mula Macau ang kapatid kong pasaway kaya nagkitakita ulit ang lahing Pepito at Eufrocina.

Sa kanila ang pansit na inalmusal ko sa Lupao.



Pangatlo...

Wala nang pangatlo. 

Sa Abril na lang 'yung susunod na pansit.

Wednesday, March 19, 2014

SA BAYAN NG NOVIB AT MAASTRICHT

'Yung NOVIB siyempre ang matagal na nagpala sa SRDDP ng PRRM kung saan ako nagkasungay.

At 'yung Maastricht School of Management ang nagbigay sa akin ng fellowship na hindi ko dinaluhan limang taon na ang nakararaan.

Pareho silang tiga Netherlands.

At parehas silang kati sa aking talampakan na matagal ko nang gusting kamutin.

Kaya isang araw ay nagpasya akong lumabas sa bakuran ng Schipol Airport, sumakay ng tren, bumaba sa Amsterdam Central Station, at mula du'n ay naglakad para maghanap ng hotel. 

Siyempre, ang una kong pakay ay ang mga lumang simbahan pero kung bakit sa tambayan ng mga hubad na anghel ako napadpad.

Madami sila, iba-ibang kulay at tangkad, sari-saring cup size, mula barely legal hanggang post menopausal --- kasing dami ng mga tindahan ng may kinalalaman sa pagpaparaos, at mga sinehan ng totohanang torjakan.


Pero sori dahil hindi sila ang sadya ko; lalo namang hindi ang mahiwagang usok na nakatutuyo ng lalamunan at nakapagpapa-pogi sa mga pangit.


Keso ang pangunahin sa aking listahan dahil may free taste na puede nang pantawid gutom, at sa pagnanais kong tuklasin ang hiwaga ng kung bakit kinagigiliwan ng mga tiga-rito ang amoy tigyawat na pinatigas na gatas.


Sa kalalakad ay kinapos ang libreng keso kaya na-obliga akong bumili ng kanilang "patat" [kung tawagin natin ay French fries] na mas matataba ang hiwa, sariwa at dalawang beses ang pagkakaprito, 'tsaka binuhusan ng malapot na mayonnaise [kumbaga sa Germany, ito ang currywurst ng Netherlands].


Pangalawa sa listahan ang madalaw sina Van Gogh at Rembrandt na hindi naganap dahil tinanggihan ko ang alok ng konduktora sa hop-on/hop-off tour bus na sa kanya na bumili ng entrance ticket dahil higit na makabubuti sa akin ito.


Ganito din ang masaklap kong karanasan sa bahay ni Anne Frank kaya pagbalik sa hotel: "Give me the best Dutch beer!" = "Ay, Heineken lang pala!" na sa aking palagay ay lasang ipis kung ang pagkukumparahan ay ang mga nainom naming beer sa Bonn.


Pero sa suma tutal ay hindi na din masama, kahit Samsung Galaxy S4 lang ang baon kong pamitik, kahit pritong patatas at libreng keso at durog na Skyflakes lang ang pananghalian at hapunan, kahit walang nabili dahil wala namang pambili.

Tumila na ang kati sa aking talampakan.

Ano kaya ang lasa ng beer sa Milan at Brussels?

Sunday, March 16, 2014

ANG MGA TABINGING SIMBAHAN NG AMSTERDAM

Tabingi ang mundo sa Amsterdam.

Una ay naligaw 'yung baggage carousel ng Schipol, tapos isinakay ako ng tren na hindi naman pala papuntang Centraal, 'tsaka ako itinuro ng Tourist Information Center sa maling hotel.

[Sa maling carousel ako napunta, sa maling tren ako nasakay, sa maling hotel ako napadpad]. 

Medyo tabingi din 'yung hotel receptionist dahil ang itinuro niya sa aking Oude Kerk [Old Church] ay ang St. Nicolas Basilica pala.


Pero mas tabingi ang Oude Kerk na pinalilibutan ng sari-saring klase ng mga babaeng naka-eskaparate at mga nag-aalok ng mga panooring may kinalalaman sa kalibugan.


Gan'un din ang Nieuwe Kerk [New Church] na nababalot ng mahiwaga ngunit pamilyar na usok at ang amoy ng libo-libong keso.


Pinakatabingi marahil ang Old English Church dahil makipot ang bakuran ng Begijnhof at kailangan niyang magkasya sa frame ng aking Samsung Galaxy S-4.


Tabingi ang mundo sa Amsterdam. 

Tabingi ang mga simbahan, tabingi ang mas makipot na kuwarto sa hotel, tabingi ang lasa ng Heineken beer, tabingi ang pagkain, tabingi ang kamera at ang photographer. 

Nakatutuwang tabingi...    

TABINGING PAHABOL: Ang St. Nicolas Basilica ay pinasinayaan noong 1887, ang Old Church [kung saan nakalibing ang asawa ni Rembrandt] noong 1306, ang New Church noong 1408, at ang Old English Church noong 1417.   

Saturday, March 15, 2014

EBONY, IVORY

Excuse me Paul and Stevie but that refers to my lunch.

Some years back in the same restaurant in Bad Godesberg, I writhed in gastronomic envy at an Australian colleague's black-and-white noodles with salmon and cream while at the same putting on a brave facade of fake contentment on my mistake of a spinach and cheese ravioli. 


That was some itch that took a long time to scratch.

My immense gratitude to the soft-spoken Dr. Bernhard Hoeper of Welthungerhilfe who made this sweet vengeance possible.



And I thank Lando and Heidee too for the interesting coffee-flavored wine --- sublime with cheese but surprisingly compatible with Lapid's chicharon --- and the final noodle dinner from a Chinese deli that somewhat made the hassle of attending a week of frustrating convention cha-cha worth it.

Thursday, March 13, 2014

ANG MGA PUSAKAL

Nagampanan ko na ang personal na misyon sa Bonn.

May pityur na ako ng pansit [Pasta Funghi na hapunan ni Jasper sa Vapiano]...


...meron na din akong simbahan [ang Protestant Evangelical Church na dati ko nang napityuran]...


...at napuntahan sa wakas ang kaisaisang Lohiya sa Bonn na nahanap ko sa Google Maps [ang Bond of Friendship Lodge No. 890 na nasa likod lang pala ng simbahan sa itaas].



Masaya na din siguro ang AK dahil kasama na sila sa mga update ko.

May hotel reservation na ako sa Amsterdam at nakapag-check in na din sa KLM.

Tumupad din ako sa mga habilin ni Jowa [maliban sa isang pirasong sausage na tinikman ko sa almusal, dalawang pirasong buto ng sinigang na baboy kina Lando, hamburger sa Base Camp dahil naubusan sila ng veggie burger, ilang basong white wine, at talong bote ng German beer].

Nakapag-pityur din ako kahit papaano gamit ang aking Samsung Galaxy S-4.

At siguro ay nakatulong naman sa pambubulabog sa mga kupal sa negosasyong ito.

Hayan, na-wanted tuloy kami ng CIA at M16.

Monday, March 10, 2014

BONN-ED

Almost not in fact as I was not really sure if I am still included in the credentials, considering the omens that haunted AK's Balai Casa Isabel summit, the departure of Dess to pursue higher learning in Germany, and the disturbing silence from those who have the power to omit and include, which even the assurance of Usec Fred's endorsement was not able to totally allay but was finally absolved by an email from Pebbles' confirming my confirmation while I explore the familiar confines of the zum Adler's tiny rooms in Bad Godesberg, and finally indulging myself to a late lunch of a huge mozzarella-and-tomato pizza whose sheer size extended itself as dinner fare, so much that Jasper's offer of welcome drinks with Lando in the old city was rejected, sleeping at 5 pm and waking at 1 am to sleep again at 3 am while watching BBC's updates on the Malaysia air crash and finally rising at 6 am, a breakfast of sorts, the usual train ride to the UN Campus sitting along the river Rhine, and wining and dining at 68-A Oberaustrasse in Mehlem where my bag of Lapid Chicharon was finally disposed, briefing the HoD on what transpired, and conspiring with the disenfranchised over glasses of German wine, before finally asking for a cab at near midnight.

Those with pink, yellow, blue, and green badges will resume their suspended session tomorrow and I wonder what button will again fall from my trove of Barong Tagalog suites.

Bonn is as Bonn-ed as ever...



    

Wednesday, March 05, 2014

SEEING RED [DOTS OF IT]

I came to Red Dot because their name was on the receipt that was issued to me by the store-near-the-MOA-entrance where I bought my Olympus OMD-EM5.

[Nikon-ite talaga ako, nasulsulan ni Usec Fred at ComYeb na lumipat sa Olympus].

Red Dot and me started fine: I was able to bring home my camera the same day I had one of its detached buttons repasted.

[Tuwang-tuwa ako, sa Binondo pa ang opisina nila noon].

Red Dot also come highly recommended.

[May dalawa pang service center ang Olympus, pero nakumbinsi ako sa nabasa ko kay Azrael's Merryland Blog.]


So I brought my camera to Red Dot when the view finder blacked out.

[Madaming inis at galit na naghihintay sa reception, medyo nakahalata na ako n'un.]

The Red Dot lady who received my camera on 17 December 2013 said they will call me once the camera is checked.

[Hindi sila tumawag, kahit minsan.]

I called them and the rare moments I am able to get through their busy line, I was given what became standard Red Dot alibi.

[Hindi pa daw nakikita ng technician, bawal na daw umakyat sa floor ng technicians para mag-inquire, tatawagan daw ako para ipaalam ang sira at magkano ang magiging gastos.] 

I tried to be calm and polite but Red Dot would always say they will call back and never did.

[Matagal nang tapos ang problema sa Globe, sa Samsung, at sa BDO na kasabay ng naging problema ko sa camera.]



Red Dot finally gave me a definitive answer yesterday after 68 calls.

[Tatlong araw muna akong nag-dial bago nakapasok, at 16.26 minutes akong naghintay bago bumalik ang kausap ko sa linya.]

Red Dot told me I can have my repaired camera on Monday.

[Tignan natin, dahil tuluyan nang mapupuno ng pulang dots ang mga mata kong naimpeksiyon ng serbisyo nila kapag pumalya ulit.]


The thing, Red Dot, is I won't have my camera going to Bonn.

[Alam ng mga photographer 'yan, 'yung pakiramdam ng nakabiyaheng walang bitbit na camera pero meron naman sana.]

And to help Red Dot keep its promise of a Monday deadline, I offer them a plate of A-1 palabok and halo-halo.

[Bagong luto, sandali lang ang waiting time, malayong-malayo sa inyo.]