Monday, February 23, 2015

ANG PAGBIBINATA NI ARIEL GUIEB TANGILIG

Isang taon na si Ariel Guieb Tangilig.

Matagal nang nagtapos ang 6 na buwang pag-iiwi sa kanya at 3,453.79 kilometro ang tumayong mga ninong at ninang sa kanyang pagkakatuli na sinaksihan ng 24 na bayan at lungsod ng Nueva Ecija.

Mas maporma na siya at bihis ng mga may sinabing piyesa na ang kabuuang halaga ay makabibili ng isang disenteng bisikleta. 

Siguro dahil regular ang pa-check up niya sa klinika ni Aling Agnes kaya lumaki siyang malusog at hindi sakitin, kaya nakapag-uwi pa ng mga medalya sa 5 paligsahang sinalihan niya.

Binata na si Ariel Gieub Tangilig.

Mahilig na siyang mamasyal sa kung saan-saan, kahit nag-iisa, at nagbago na din ang kanyang mga barkada at pananaw sa pagbibisikleta.



Sa kanyang paglaki ay dumalas ang paglabas niya sa bahay lalo na sa mga pagkakataong bumibigay ang amo niya sa tukso ng mga masasarap na ipinagbabawal. 


Binata na si Ariel Guieb Tangilig pero sumasamba pa din siya bagamat at mas nagiging interesado na siya sa paglipad ng mga puting tagak mula sa mga sumasapaw na palayan.



Sa mga liblib na daan na ulila sa mga miron lumaki at nagbinata ni Ariel Guieb Tangilig. 


Doon siya natutong sumayaw ng Cha-Cha Ulupong at kumanta ng "Ang Huling El Bimbo".


At katulad ng dati kahit binata na siya, d'un siya aabutan ng pagsikat ng araw...

Monday, February 16, 2015

THE 10-POINT MTB AGENDA

[1] Malaki ang diperensiya ng P100,000 para sa laparoscopic surgery at ang P24,000 na ipinambili ko kay Ariel Guieb Tangilig. 

[2] Nababagot akong nagtatatakbong mag-isa, laos na ako sa basketball, at bongol ako sa tennis.

[3] Sa buong buhay ko ay nagmay-ari kami ng tatlong bisikleta --- isang blue semi-BMX na binili ng tatay ko sa Quiapo, isang green baby racer na pinagtangkaang nakawin habang nagpapapulong ang mga PC , at isang japayuki na napanalunan ko sa raffle draw --- bago dumating si Ariel Guieb Tangilig at Lupo Domingo Quilban sa buhay namin.

[4] Napakagandang panoorin ang pagsikat ng araw habang nagbibisikleta.  


[5] Almusal na palabok o spaghetti mula sa Jollibee dahil wala nang tao sa bahay namin pagdating ko mula sa pagbibisikleta. 


[6] Kailangan kong sunugin ang nainom kong kalahating kahon ng San Mig Lights at pinulutang adobong tupa dahil kumanta ng "Luha" 'yung aleng naka-short sa ibaba...


[7] ...at dahil Valentine's Day ay mapasyalan 'yung kubo sa maliit na isla ng Lingap Kalikasan kung saan kami unang nag-date ni Jowa.


[8] Kailangang durugin ang litsong baboy at baka na inulam namin bago ko pinityuran ang mga nasa ibaba...


[9] ...at para tuklasin ang misteryo ng sangandaan paglabas ng Casulucan Este.


[10] Maligaya ako sa pagbibisikleta.

Monday, February 09, 2015

DISCERNMENT

I don't drink that much anymore.

Or maybe, the right words are "I seldom drink now".

Seldom but I still do.

And when that happens, I really drink. 

Perhaps that's why I now snooze on the table which I never did.


I was not a regular biker before.

I do now, a lot, and chase roads and trails even when there's none.

Especially after one those "seldom drink" and "really drink" moments. 

The idea was to burn the prohibited intake, to abort the fat and alcohol from spawning into stones that made a quarry of my bile, so I can "seldom drink" and "really drink" again.   


I biked a lot after my retirement.

And drank a lot too.

Not after the fact but to renew and celebrate friendships that work and distance have eclipsed.


But more than the wine bottles and kilometers amassed, retirement also reminded me that there is another world.

And that I never really left that world, like the old friends who remained.

That mountain biking is not just burning excesses but a lot of hidden trails out there waiting to be explored.

Like those two dirt roads between Mangandingay and Burgos which I never knew existed.


Today, I nailed (Ret) after my name with no regrets.

I thought I did good and I can do more, but I'm not coming back...

PHOTO CREDITS: To Angge Serdinola is credited my alcohol-induced stupor which she took with Jet Alonzo's camera, while Bong Soriano captured the moment of my foray into Aloha Falls and a frame from Fr. Apolo de Guzman's bienvenida cum despidida.