Monday, June 26, 2023

CASIGURAN

Dalawang oras matapos mamulutan sa Bakal 2 ng hilaw at tinortang gulay, sumundo ang maputlang driver upang ihatid ang mga Suki ng Sabado sa pinag-aawayang boundary ng Dinalungan at Casiguran.

Naganap ito dalawang oras matapos mag-almusal ang mga Hosto ng tapang baka at ensaladang pako sa kapitolyo ng Baler, at limang oras bago iginayak ang tinapang palos, pritong sawa at halabos na hipon sa baybayin ng Casiguran. 


Apat na oras matapos ang ika-2 ng hapon ay narating ng mga hinete ang tagong rantso sa Pantabangan matapos baybayin mula Casiguran ang kahabaan ng Dinadiawan white sand beach at mga pakiwalkiwal na akyatin ng Dicadi Highway patungo sa bayan ng Dipaculao at Maria Aurora.

Ilang bandehado ng kalderetang baka, adobong tupa, menudo at kilawing aso ang kanilang dinatnan subalit hindi naigayak ang tapang Kabayo, tinolang peacock at sinampalukang ostrich dahil ipinagbawal umano ito ng Star Dancer na siyang lead singer ng X-Deal 2 band mula sa Casiguran. 

Samantala, itinanghal si Julia Victoria na may pinakamalaki at pinakamagandang suso ng linggong nagdaan bagamat siya at 11 pang sumo wrestlers ay hindi nakalista sa Manifest ng Flight 828 mula sa Casiguran Airport.  

Lingguhang dialysis ang Sanctuary ng maputlang driver na naghatid sa amin sa Casiguran na ang katumbas ay apat na araw na solong karera sa mga lansangan ng Guimba, Lupao, Talugtug at San Jose City na umani ng gantimpalang mani at chicharong baboy...   

Monday, June 19, 2023

RELYEBO 2

In the Island of Desire, Queen Cleopatra ruled as The Woman King.

Doon, inilipad at pinalaya ng adobadong pakpak ng bibe ang litsong baboy na ginayat sa Baloc.



Si Amor nga ba ang ka-Relyebo ni Martha sa pagbebenta ng chicken Sandwich ni Pepita sa Cabiao?   

Nakakaumay na kasi si Angeli Khang kaya marahil Balik Taya na lamang ang madalas tamaan sa jueteng ng Isla Bato.

It is A Beautiful Life.

Parang litsong baka ng Andok's noong Miyerkules at Biyernes sa panahon ng Tag-init at ang makunat na iginayak sa Talavera n'ung Sabado. 

O kaya ay charcuterie board na pinalamutian ng ginataang suso ng Vivamax at adobong kambing mula sa pinilay na pulis.


Samantala, pinukaw ng biyuda sa buhay ang lansa ng dinakdakan sa Bakal 2 dahil Hilom na sa araw ang mga basang lansangan ng siklistang tulisan...  

Monday, June 12, 2023

SCORPIO NIGHTS 4

Tuwing hapon bumababa sa lupa si Purificacion upang litisin ang kalandian ni Karisma at pagyamanin ang alay na buro, pritong maya-maya, inihaw na liempo, sinampalukang manok tagalog at pansit canton apat na oras matapos idulot ni KP Marlon ang tsokolate mula sa New Zealand.   

Samantala, tinalo ni Pinay sa Pusoy si Boy Bastos sa burol ni KP Boy at sa Paupahan sa tapat kung saan tinipon ni Malong ang basyo ng Red Horse mula sa huling gabi ng lamay at ang mga mamahaling antigong alak na nakalkal ng mga hubad na diwata sa Virgin Forest ng Maynila.    

At mula Cebu ay sumakay sa Siklo si Selina upang takasan ang mga Hapon at magtago sa Bongabon kapalit ng bagong lutong pansit guisado, kinilaw na talaba at kambing na iginayak sa Rizal, at ang tupang nilitson ni KP Aztec sa Llanera.    


Ang Boso Dos ay kabuuang kaganapan ng mga paninilip, ng mga sinilip at ng mga nagpasilip na ang kahulugan sa wikang banyaga ay Tour de France Unchained in the bike trails of Munoz...

Monday, June 05, 2023

3 NIGHTS AND A DAY AT JL. SABANG

Kemang nights 
crowded streets, shitty hotels, Lotte Mart and Hooters long gone 

Menteng days
palatial houses, treelined roads, Novotel Cikini and a bike lane

But Jalan Sabang has been claimed by the Defender of the Truth.


A briefing
2.4 kilometers of afternoon prayers
goat satay, mutton soup, cold Bintang
Googled and misled to Sate Pak Heri
second best on the first night


A meeting
2.9 kilometers into a narrow alley
Nasi Goreng Kebon Sirih in a paper box
burning goat meat and cold beer for dessert
second night but still second best



The Secretariat
beef grilled in fried red chilli pepper
Blue Bird pelted with meatball rendang
nasi padang, burnt eggs, singed chicken skin
Grab motorbikes running on cold beer 
blue berets and a blue bike at Monas
Sarinah's mural and photo bombers
meat skewered at Sate Lamongan Jaya Agung
the best there is on my last day




Subalit mas malinamnam pa rin ang pinispisang kambing noong Sabado at ang adobong salugabang n'ung Linggo bagamat  bahagyang matabang ang lasa dahil sa hindi inaasahang pagpanaw.

Kahapon ay naubos sa Pamasahe ang upa sa Serbis and Selina's Gold tasted like naked melons...