Monday, April 18, 2011

KULE CONFESSIONS

Malaki ang utang na loob ko sa Kule.

Dito ako nabigyan ng break. Dito ako natuto. Dito nag-umpisa ang kuwento ni Kimat T. Amianan. Isang baul na alaala ang naipon ko dito. Katulad ng...


... pagbo-bonfire namin sa mga inanay na back issues ng Collegian kasama si DanLop at ang kararating na si Caloy. [Ngayon, alam niyo na kung bakit kokonti at halos walang natirang mga lumang issue ng Kule.]

... magdamagang presswork na nag-exempt sa akin na mag-field sa CMT. [Sir M: Bagsak ka dahil madami kang absent. / Ako: Baka naman puede pang ayusin 'yan sir. / Sir M: Sige, paligayahan mo na lang ako read: alak at pulutan. / Ako: Okey po. / Sir M: Bakit ka nga ba laging absent? / Ako: Tiga Collegian kasi ako sir, Biyernes ang press work namin kaya madalas umaabsent na lang ako dahil sa puyat. / Sir M: (Biglang namula) Nagbibiro lang ako ha! Sige, sa HQ ka na lang palaging magreport, pasado ka na.]


... ang CEGP at ang mga madalas na magka-crush sa akin mula sa ibang school. [Puera biro, di naman ako pogi pero bakit kaya? Dahil nga ba sa buhaghag na toothbrush na laging naksuksok sa back pocket ng maong kong butas-butas?]

... si News Editor ko na hindi pala naka-enroll at ang matinding debate namin nang ipitin ko ang istorya niya tungkol sa isang Dekanong inakusahan ng sexual harassment. [Nag-sorry din sa akin 'yung "News Editor" pero hindi na ako natulungan n'un. 'Yung Dean, inuutangan ko kasi ng pamasahe pauwi. Noon ko pa na-realize na mali ang ginawa ko. Sorry pa rin kahit wala nang ibig sabihin ito ngayon.]


... 'yung pagkakatsuktsak ko sa kalagitnaan ng aking termino na nagsilbing sangangdaan ng aking paglalakbay. [Bukod sa na-realize kong lahat ng bagay sa mundo ay hindi permamnente at natuto akong huwag mag-expect ng kapalit sa aking mga ginagawa ay nakilala ko pa ang isang propetang palaboy mula sa San Jose].

Madami pa. Pero saka na yung kuwento.

Ang gusto ko munang sabihin ay kung anuman ang narating ko ngayon ay dahil sa Kule.

Lahat ng mga sumunod ay bunga na lamang ng aking pagiging Kule.


MGA LARAWAN (mula itaas pababa): (1) Si Mam Ayet na unang nagpa-intindi sa akin sa teknikal na bahagi ng pagsusulat sa pamamagitan ng isang liham kahilingan sa PPDO; (2) si Tolits Circa na kabiyak ng dalwang mahuhusay na kartunista (si Tolits Saliganan yung isa) na dumating sa Kule sa maikling panahon ng aking pamamatnugot; (3) ang mga unang dumalo sa unang homecoming ng The Plowman/CLSU Collegian; at (4) ang post-homecoming party ng ilan sa mga Kule alumni sa roof top bar ni Tolits Circa. 

No comments: