Monday, August 08, 2016

OVERDOSE

Sapat na marahil ang 18.1 kilometrong tinakbo namin ni "Bunso" sa Brgy. Laging Handa sa pagitan ng 11th Jamboree Street at Panay Avenue para lusawin ang beer at inihaw na pusit na binira namin ni Kuya Ading n'ung Huwebes ng gabi.


Pero napatungan ito ng Johnny Walker at pinispisang kambing sa birthday ni Kuya Edong n'ung Biyernes ng gabi, at ng Johnny Walker pa at tokwa't baboy pagkatapos ng stated meeting n'ung Sabado ng hapon, na sigurado kong hindi na kinaya ng 23.1 kilometrong tinakbo namin ni Balong sa pagitan ng Bacal 2 at CLSU n'ung Linggo ng umaga.



At sigurado kong lahat ng nilusaw n'ung Huwebes at Linggo ay madaling binura ng bumabahang beer at pulutan sa ikalawang araw ng Bowling Games n'ung Linggo ng hapon.


Ang nasabi na lang ni Jowa: "Sana hindi mo na lang ipinatangal ang apdo mo! Hmp!"

No comments: