Halos isang oras ang biyahe mula Cubao hanggang SM-San Fernando, kasama na ang pagsakay sa mga pasahero ng isa pang bus na nawalan ng preno sa NLEX at sumundot sa puwet ng kapwa nito bus, na nadagdagan ng isa pang masalimuot na biyahe mula SM papuntang Angeles dahil sa nakababaliw na trapik sa may Marquee Mall, at halos isa pang oras mula sa binabaan ko ng dyip hanggang mahanap ng traysikel na parang-taxi-maningil-ng-pamasahe ang aking hotel kung saan naging tagapakinig ako sa hampas ng head board ng kama sa dingding mula sa kabilang kuwarto at naulinigan ang impit na ungol ng isang babae na hayaan lang na magsuntukan ang kama at dingding bago ako lumabas at naghapunan sa isang Greek Restaurant na katabi ng hotel.
Kinaumagahan, muling nagpalabas ang kabilang kuwarto --- ang sarap sabi ng babae, huwag kang sumigaw sabi ng lalaki, wala akong pakialam ang sagot ng babae, dilaan daw sa itlog, puede daw sa puwet kapag matigas --- kaya muli akong lumabas ng kuwarto at nag-almusal ng mamantikang Australian breakfast at nagpahatid sa SM-San Fernando para sa biyahe pabalik ng Maynila.
Kagabi, may anghel na bumaba at sumamba sa kabilang kuwarto. Hindi ko lang alam kung may baon siyang pansit...