LINGGO,
mabigat ang loob kong sumakay sa Five Star bus matapos ang lingguhang ritwal namin ng pamamalengke dahil obligado akong dumalo sa pagpupulong ng AK politburo --- batas ko kasi na natatanging pampamilya lamang ang mga araw ng linggo --- na hinimas naman kahit papaano ng pag-level-up ko sa Candy Crush habang nakabiyahe kaya namili na din ako ng sitsarong-may-laman sa La Paz bilang pasalubong at naghimagas ng isang double sundae with double hot fudge sa Mcdo-Panay na agad kong naubos habang inihahatid ako ng berdeng traysikel sa Casa Pura kung saan inabutan kong ganado nang nagkukuwento si Matthew at hinainan ako ng late lunch na inihaw na salmon na pinatungan ng late dinner na callos bago kami sumakay sa susugaksugak na taxi papuntang UP Kapit Balay kung saan inabutan kong pinapayok ni Chito ang isang boteng red wine.
LUNES,
natuklasan kong may isa pa palang simbahang pamprotestante ang UP habang naglalakad para mag-almusal sa University Coop na ang pagkain ay inilalakong katulad ng mga pansit na nakapila sa bangketa ng Hidalgo at napagtanto kong ang adobo nila ay maasim at lasang panis bago ang kalahating araw na presentation ni ComYeb tungkol sa GDR na sinundan ko ng pag-uulat ng adaptation cluster na sinundan ng mga pag-uulat ng mga tiga technology, mitigation, at finance na natapos sa isang plenary-na-break-out-group-sana bago kami naghapunan ng chop suey, sisig, spicy shrimps, adobong kangkong, pinakbet, at sinigang na tiyan ng bangus sa Trellis na tinuldukan namin ng mga pagtatanghal sa isang videoke bar sa may Matalino kung saan bumirit ako ng "Bed of Roses".
MARTES,
tinapa, itlog, at babecue ang pinili kong almusal sa mga inihain ng University Coop na inilalakong parang mga ibenebentang ukay-ukay bago ko kinunan ang protestanteng Church of the Risen Lord sa unang pagkakataon at katolikong Church of the Holy Sacrifice sa pangalawang pagkakataon habang naglalakad kami pabalik sa Bahay Kalinaw, magmerienda ng lomi at pandesal sa kalagitnaan ng mahabang diskusyon sa organizational development, sumakay ng taxi papunta sana ng Central Office na pinderetso ko sa terminal ng Baliwag, at nakauwi sa bahay namin sa Bacal 2 ng bandang alas-9 ng gabi.
MIYERKULES,
alas-4 ng umaga ako nasakay ng Five Star bus pabalik sa Maynila at alas-7:30 ng taxi sa ilalim ng tulay ng EDSA-Quezon Avenue papuntang UP Bahay Kalinaw na ginalugad ko ng mabibiling yosi habang hinihintay si Lot at ang kanyang ipapahiram na winter overcoat bago ako nag-almusal ng humba-na-napagkamalan-kong-adobo sa Rodic's at nag-preside sa mga presentation nina Ate Alice tungkol sa loss and damage at Riza tungkol sa adaptation with co-benefits na kagyat kong nilisan matapos isara ang RTD papuntang Central Office kung saan nalaman ko kay Amor na nandoon pala sila ni Eboy kagabi, tinawagan si Goyie tungkol as pag-advance ng retirement benefit at kung ano na ang nangyayari sa pondo ng OP project bago hindi sinasadyang turuan ang tatanga-tangang taxi driver sa daang matuwid papunta sa terminal ng Baliwag sa Cubao, nakatabi ang lalaking may kakaibang amoy, at makauwi ulit sa wakas sa Bacal 2 ng ganap na ika-9 ng gabi...

No comments:
Post a Comment