Tuesday, October 29, 2013

PANSIT SA PANAHON NG BAGYO, LINDOL, AT ELEKSIYON

Oktubre 14

Kahit papa'no ay hinimas ng bagong lutong miswa na iginisa sa patola at tinadtad na karneng baboy ang pagkagitla sa lakas ng hampas ng Bagyong Maring na bumunot sa mga matatandang puno ng akasya sa highway, tumumba sa mga sementong poste ng NEECO at CELCOR, at tumangay sa mga bubong ng mga barong-barong at magagarang bahay sa Cabanatuan.

Oktubre 16

Nakatulong ng bahagya ang paghigop ng mainit na mami na binili sa kanto upang unawain kung ang Diyos nga ba ang may akda sa lindol na tuluyang gumupo sa mga simbahan ng Dauis, Baclayon, Loboc, Maribojoc, Loon, at Loay sa Bohol.

Oktubre 28

Nakagigimbal ang panunuyo ng mga kandidato sa mga botante sa pamamagitan ng pamimigay ng ilang supot na Payless at isang kilo ng bigas na lasang putang-ina...


BABALA: Ang pansit sa itaas ay kasama sa handaan sa pagdiriwang ni Kuya Serge ng kanyang kaarawan at walang kinalalaman sa bagyo, lindol, at eleksiyon.    

No comments: