Tuesday, November 26, 2013

WHY WE NEGOTIATE

Unang-una sa lahat siyempre ay para sa bayan.

[Hindi 'din masamang magalugad ng libre ang mundo.]


At ang pagkakataon na makapaglingkod sa pinakamasipag na delegasyon sa proseso ng UNFCCC.

[Lalo na sana kapag nakumpleto na 'din sa wakas ang mga inampalan ng PCCC.]


Iba 'din ang pakiramdam na makabanggaan sa siko ang mga ministro at bise-ministro.

[Hindi nila alam e muntik na din akong naging ministro noon... ng simbahan.]


At ang paminsanminsan na mainterbyu sa TV.

[Pero dahil Vietnamese TV ay hindi ko na ito mapapanood kahit kalian.]


Hindi mawawala ang mga photo ops.

[Bagamat mas madalas na ako ang kumukuha kesa kinukuhanan.]


At ang bragging rights na oo, minsan ay nakatrabaho ko siya...

[...nakasabay kumain, nakainuman, nakasama sa photo shoot, nakabiruan, napatawa...]


No comments: