Friday, August 03, 2012

THE FIRST OLYMPUS FRAMES

Para ulit akong bumalik sa Grade 1.

Malaki ang pagkakaiba sa settings ng bago kong kamera sa nakasanayan kong Nikon D40. 

At may touch screen pa.

Kaya habang humahagupit ang buntot ni Gener ay sige ang kalikot ko kay Olympus OMD EM5.

Pagdating ng Balanga ay tumugtog ang Bamboo Band ng PUP-Mariveles ('di ba tigaroon si Judith na nag-good bye kiss sa akin noon matapos ang CEGP Luzon-wide Congress?).

Sila ang una kong pinagpraktisan...



No comments: