Friday, September 23, 2011

DigiBak

DigiBak = Digital Activism.

'Yan ang intindi ko sa 2 araw na kurso tungkol sa makabuluhang paggamit ng blog, email, facebook, at twitter.

Epektib ito.

CASE 1: Ang karanasan ng mga Zapatista sa Chiapas, Mexico noong 1994 na masasabing internet-based.


CASE 2: Ang mahalagang papel na ginagampanan ng social media sa patuloy pa ring naglalagablab na Arab Spring.


So move over Tibaks! Here comes the DigiBaks!

Maliban sa makabuluhang pagpe-facebook ay nabigyan din ako ng pagkakataon na madalaw muli ang simbahan ng Antipolo. Salamat sa Oxfam-GB at Dakila. Ang masasabi ko lamang sa mga paring naglagay ng pagkalakilaking anti-RH bill streamer sa harap ng simbahan ay "Don't preach what you don't practice". Salamat din sa MMLDC na muling nagpaalala sa akin sa linamnam ng maayos na pansit palabok.



No comments: