Saturday, December 11, 2010

SNOW

Bago ang aking pagpunta sa Mexico ay minsan pa lamang ako nakamalas ng niyebe sa malapitan. Ito ay ‘yung nakasombrero sa Mt. Hood ng Oregon noong 2008. Hanggang ngayon ay pinagsisihan ko ang hindi pagsama sa ilang kasamahang pumuslit at naglaro sa isang parisukat ng yelo.

Sa pangalawang pagkakataon ay napagbigyan ako habang nag-aantay ng eroplano sa Lindbergh Airport ng Minnesota. Balot ng kulay puting niyebe ang paligid subalit katulad ng dati, ako’y nagkasya na lamang sa pagtanghod mula sa loob ng airport.

Kailan kaya ako makakapaglaro sa snow?

1 comment:

NannyMcP said...

punta ka dito sa ireland next winter tito. plenty of snow. we are all fed up with it now.