Marahas ang reputasyon ng Oakland.
Ito marahil ang nag-udyok na mag-extra legal ang mga "Rough Riders": apat na beteranong pulis kasama ang dalawang Fil-Am na sina Clarence Mabanag at Jude Siapno, tinaguriang "best and brightest" ng Oakland, na natanggal sa serbisyo at kinasuhan dahil sa di umano'y pang-aabuso sa mga pinaghihinalaan nila. (Sila kaya ang inspirasyon ng pelikulang "Pride and Glory"?).
Kaya nakapagtatakang tahimik at walang katao-tao doon nang pasyalan namin ang amoy Pinoy na Cathedral of Christ the Light.
Linggo daw kasi at ang best side ng Oakland ang pinuntahan namin.
Ang kaibigan kong si eman59 ay nakatira sa side na 'yun.
Siya 'yung pinag-shoot ko ng San Beda Church kahit bumabagyo, at siya din yung nag-aya sa aking dumaan sa kanila n'ung una akong mapunta sa Amerika. Nagkakilala kami sa flickr.
Kasama si eman59 sa Lagalag Notebook project ni Oyet P at isang gabi nga ng Miyerkules ay muli niyang pinasadahan ang mga namimintog na pahina nito una kasama ang isang bote ng Croatian wine sa isang mukhang bonggang bar na sinundan ng 3 pang bote sa bahay niya at hinugasan ng isa pa. Alas-3 ng umaga na kami nakauwi ni Oyet P.
Bilang pabaon ay binigyan ako ni eman59 ng kuha niya sa St. Patrick's Church ng San Francisco. 'Tsaka libro tungkol sa California Missions at hardbound edition ng "Turn of the Century".
Mabigat ang mga libro pero iuuwi ko ito kahit na magbayad pa ako ng excess luggage...

No comments:
Post a Comment