Saturday, November 20, 2010

ATANG


Para sa 2 pasahero ng motorsiklo na nagkataong makasalubong ng trak na minamaneho ng lasing na driver...

Para kay Toleng na biglang iniliko ang traysikel sa kanto...

Para kay Tata Terong na ama ng kainuman kong si Kuya Kiel...

Para sa tatay ni Kuya Elgie...

Para kay Caloy na pinaslang sa Laguna...

At higit sa lahat, para kay Julie na sumuko sa karahasan ng mundo at kinitil ang buhay...

ANG ATANG NA PANSIT sa itaas ay hinubog sa kamay at nagsilbing hapunan sa isang restoran sa may Retiro na may pangalang Shanghai Hand-pulled Noodles. Tamang-tama sa aking panlasa ang malapot at malasang sabaw, ang malambot na sahog na karne ng baka, at ang bagong gawang pansit. Nawa'y karapatdapat na alay sa mga nauna nang kinuha...

No comments: