Tuesday, June 14, 2016

KONTRA BULALO

Tagaytay = Taal Lake and Bulalo.

At hindi ako nabigo dahil ang lawa ang huhulugan ng dungaw sa malapad na bintana ng tinutuluyan kong trying hard Greek Villa sa Estancia Resort Hotel... 


...at tig-isang wataw na binulalong biyas ng baka ang inihaing hapunan sa unang araw ng paglalaro namin ng sawsaw suka, na mabuti na lamang at maraming sahog na gulay na siyang nagtawid sa akin hanggang almusal kinabukasan. 


Low salt, low fat.

Hindi pa puede ang bulalo, ang sisig, at ang crispy pata sa Leslie's na epektibo namang nakontra ng matabang na chop suey, tustadong tawilis, at napakaasim na sinigang na tanigue.   


Bulalo forever but meanwhile never.

Kasama na diyan ang anumang karne at lasang baka, katulad ng keso, kaya nagkasya muna ako pansamantala sa Vegetariana [salad tomato, spinach, green bell pepper, mushrooms, black olives, pineapple bits, onions] at ilang pirasong crunchy taco [minus the ground beef] para itulak ang tukso ng Margherita with Kesong Puti [walang karne pero may keso] sa Carlo's Pizza.  


Hindi nakaporma sa Kontra Bulalo ang mga ipinagbawal sa Tagaytay...

No comments: