Tuesday, April 29, 2014

MALABNAW ANG SAUCE NG BIRTHDAY SPAGHETTI NI BALONG


Bukod pa dun ang masyadong malakas na lasa ng giniling na baka na binili sa SaveMore.

Kulang kaya ito ng tomato sauce, o dahil sa SaveMore binili ang panahog na baka?

Masyado ang kulay ng pekeng ube ng halo-halong minerienda namin sa San Anton.

Siguro dahil sa brand ng food coloring na ginamit, o baka naman totoong ube nga 'yun.

At bilang tuldok sa Mahal na Araw ay aming ipinagpatuloy ang BISIkleTA IGLESIA nung Linggo ng Pagkabuhay.

Pero hindi mga iglesia o sambahan ang binisita namin.





Siguro, mas bagay na tawagin silang tambayan o pulungan bagamat napagkakamalan ang mga ito na sekta ng mga kontra Katoliko.

Pero hindi dahil Katoliko naman ako at naniniwala sa Diyos.

Buti na lang, pinag-almusal kami ni Kuya Dean ng goto-with-egg at pandesal ni Emong...

No comments: