Saturday, April 26, 2014

ANG NAWAWALANG "MAMI" NG MIDAS HOTEL

Masarap ang "mami" na inaalok ng noodle bar sa breakfast buffet ng Midas Hotel.

Malinamnam ang sabaw, maraming choices na panahog.

Ang naging kumbinasyon ko ay diced fish cakes, fried squid rings, isang kutsarita ng durog na litsong Macau para pampalasa, apat na piraso ng Chinese pechay, at isang dakot na pritong bawang.

Pinarisan ko ito ng isang pirasong steamed chicken, ibat'-ibang klase ng tinapay, 'tsaka kalahating plato ng pansit canton.

Masarap din ang tinapay, puede na ang kape, pero walang kuwenta talaga 'yung canton.

Ang masama, hindi ko pala naibalik ang SD card sa camera kaya ng kinunan ko ang aking pansit breakfast spread, heto ang lumabas:


Kaya siguro ako nagtae.

Buti na lang at may consolation prize.

Heto ang unang pityur ng aking bagong gawang kamera na kinunan kahapon:


Carbonara 'yung puti at Bolognese 'yung pula, mga putahe ng Joey's Pepperoni sa MOA. 

Sa maniwala kayo o hindi, play money ang ipinambayad namin diyan.

Heto naman ang huling kuha ng kamera bago kami umuwi pabalik sa Nueva Ecija:


Scampi spaghetti 'yan ng Shrimp Shack sa MOA din, malapit na kamag-anak ng Aglo Olio. 

Puede na.

Kahit nagtatae pa din ako habang nakabiyahe at hindi nakaboto si Kuya Jojit kasi may walk-out...

No comments: