Thursday, June 24, 2010

ONE NIGHT ONLY


Katulad ng dati matapos ang ritwal ng pagbabalik sa CLSU ay nagpulong ang mga disipulo ng propeta. Madaming inihanda ang mag-asawang Tolits at Tita: inihaw na baboy, hito, at tilapia; nilagang mga gulay; mainit na sabaw; at San Mig Lights na walang patid ang pag-uho sa sisidlan nitong kaputol na kawayan. Naunang dumating si Sir Ben. Sumunod kami nina Jun at Nine kasama ang propeta. Sina Odang at Pareng Tembong. Pagkatapos ay sina Cez, Reggie at Verjun. Ang mga hindi nakarating ay tinawagan: si Sherwin sa Hongkong, si Loi sa El Nido, si Von, si Rolly na siya na ngayong nagmamay-ari sa Umaykan, sina Joey at Janet sa Saguday. Kasabay ng pagtugtog nina Nelson ang pagbasa ng mga tula, palitan ng mga kuwento, pagbisita sa mga lumang larawang ngayo'y naka-post na sa Facebook, at pagyapos sa isang gabing sana’y wala nang katapusan…





MGA LARAWAN (mula sa itaas): (1) Ang Propeta; (2) mula sa kaliwa ay si Cesar “Cez” Macalinao, Hermogenes “Jun” Lisondra, ang Propeta, si Verjun Dilla, Prof. Ben “Sir Ben” Domingo, at Regidor “Reggie” Gaboy; (3) ang Propeta kasama si Rhodora “Odang” San Andres; (4) ang mag-asawang Tita at Elito “Tolits” Circa; (5) at si Nine Alcanzare.

No comments: