Monday, June 18, 2018

PASAN KO ANG DAIGDIG

ang lulang Pinagpala at ngalan ng impaktong Sanggol ang mga kumutkot sa paypay kung saan nakasandal ang mundo


balabal ang natetanong litid at laman sa nirayumang pakpak at kadenang hatak sa piging ng mga kabalyero   


nanginig ang balikat ngunit ang pagtinag ng mundo ay napigil sa haplos ng terapewtiko at amoy ng bagong telepono  


pasan ko pa rin ang daigdig pero puede na ulit maglakad patungong Timog at mamulutan ng hinurnong pakpak ng manok  

No comments: