Sunday, November 20, 2016

LATAK

Ilang tagay ng white wine, cognac, at gin tonic ang naghatid sa akin ng mga putol-putol na panaginip ng nakaraang dalawang linggo  sa loob ng pitong oras na biyahe mula Marrakesh patungong Doha. 






Salamat kay Ella B. at meron din akong pityur sa Marrakesh bukod sa selfie ko at namin ni Kairos.



Limang oras kaming tumunganga sa Doha sa kahihintay sa gate ng QR 928.

Kaya ginantihan ko ang kanilang red wine, beer, gin tonic, at Irish cream habang walong oras kaming bumabaybay mula Doha pauwi ng Maynila. 

Pati meriendang chicken pie na ayaw kainin ni Riza ay nadamay.



Kaya naglakad ako ng tulog at nag-selfie sa banyo ng eroplano nang di ko namamalayan.   

No comments: