Monday, March 21, 2016

PANAY NIGHTS

Maalinsangan, naglalagablab, mainit, nakakapaso

parang 'nung gabing pumasok si Daniel Fernando sa loob ng kulambo ni Anna Marie Gutierrez

nag-aalimpuyo, tumatagaktak ng pawis

maingay, maliwanag, malamok, makati

nakakapuyat, nakakaantok, nakakagutom


nakakabulabog ng bato, nakakamaga ng apdo

nakakapanghina, nakakahika

nakakahadlang sa pagbibisikleta namin ni Rommel Padilla.


Kaya bibili na ako ng aircon sa susunod na linggo

pramis.

No comments: