Sintonado ang Taga Ilog ng La Solidaridad na ang tahanan sa Badoc ay malapit sa dagat at hindi sa ilog,
Tumugma sa tono ng malaunan bilang si Bulan, ang heneral na lumaki sa Binondo na malapit sa ilog,
Siya nga ang Kapre ng rebolusyon, dahil na din marahil sa bigote, na kinamuhian ng mga Caviteno at Tagalog,
Kaya pinaslang sa ngalan ng Artikulo Uno, kaya nagmulto sa pangkat na naiwan sa kabila ng ilog.
Isa pang Bulan ang nagawi ng Iloilo at iniwan ang kaibigang ang ngalan ay Lupo Domingo [Quilban].
Ang ama niyang Ilokano ay madalas mangabayo, kasama ang Kalahating Ilokano at Anak ng Ilokano.
May kapatid na Tagalog, na nangangamoy sukang Iloko, sa tuwing nangangabayo, kada araw ng Linggo...
TALA BABA: Ang mapa sa taas ay nagpapakita sa unang paglalakbay ni Balong, ang kapatid na Tagalog ng mala-Ilokanong si Bulan, bilang isang ganap na siklista.