Saturday, May 31, 2014

THE APPS OF LIFE

Para itong kuwento ng isang linggong pag-ibig pero open ended.

Walang tuldok.

Parang Facebook na araw-araw yatang may bagong apps.

Halimbawa, ang raketa ng tennis na naipalo din sampung taon matapos itong bilhin...


...ang magkahalong pakiramdam ng kagalakan at panghihinayang sa pagkakapanalo ng 5-digits sa lotto... 

...ang dalawang plastik na medalya na katunayang natapos ko ang karera at hindi inaasahang pumangwalo...  


...ang ala-ala ng tula nung gabing sagutin ako ni jowa 17 taon na ang nakararaan...

...at ang balitang naibigay na din ng DA RFU3 ang tsekeng matagal naming hinintay at ilang beses binalikan.

Suma tutal, madaming ups nitong nakaraang linggo. 

Siguro ay dahil dalawang beses kaming naghapunan ng instant noodles na ibinahog sa kanin...

Friday, May 23, 2014

ANG PINAKAMASARAP NA PANSIT...

...ay hindi matatagpuan sa Discovery Suites at magagarang hotel, o ma-oorder sa mga bonggang restoran na katulad ng mga kinakainan ni Margaux Salcedo.

Ang pinakamasasarap na pansit ay natagpuan ko sa isang maliit na karinderya sa Guimba, sa inuman ng mga DOM na kapitan ng San Jose, sa masikip na puwesto ni Thelma sa Munoz, at sa isang panaderya sa Cuyapo.

Inihain ang mga ito sa pa-bertdey ni Kuya Fitz sa Talavera at sa lamay ng tatay ni Kuya Serge sa San Antonio.


Ang pinakamasasarap na pansit ay iginisa sa mga mauling na palayok at kawa, inihain sa mga bandehado na may kasamang hiniwang kalamansi, at inihanda na ang pangunahing layunin ay mabusog at mapaligaya ang mga kakain nito.

Katulad ng walang kamatayang spaghetti sa mga bertdey --- simple at paulit-ulit pero hindi nakakasawa...

Sunday, May 18, 2014

ANG ALAMAT NG PAMPABUKA

In other words, ano ang gamot sa silent treatment?

Una ay timing: dapat may kumperensiya na puedeng magsama ng pamilya para hindi masyadong magastos.

Tapos ay maghain ng pananghaliang pansit palabok at halo-halo ni Aling Razon na taga Guagua [may tindahan siya sa may NLEX].


Makakatulong din ang Mediterranean dinner na may mga kakaibang pamagat ng ulam katulad ng Moroccan lamb stew with basmati rice [kalderetang may kanin], gyro plate in biryani [iba't-ibang klase ng inihaw na karne na nakapatong sa dilaw na kanin], at kebab pizza [pizza na lasang kambing].


Patulugin sila sa magarang hotel at dahil malakas ang wifi ay hayaan silang mag-download nang mag-download.


Mag-almusal ng one-to-sawa kinabukasan [crepe at pancake, ham and bacon, iba't-ibang luto ng itlog, sangkaterbang tinapay, pizza, apat na klase ng juice, kakaibang timpla ng kape, etceterabagamat gourmet tinapa [kasi sa olive oil naprito], sabaw ng adobo [malapot na katulad ng sa Aristocrat], kimchi fried rice [pinabonggang sinangag], at vegetable canton [thank you Lord!] ang sa akin dahil bigla kong naalala ang gastos nung huling maospital ako.


Sundutin ito ng linguine [parang plantsadong spaghetti] at salmon and grilled chicken sandwich.


Tsaka mag-top dress ng glorified pansit canton at adobong tipak-tipak na liempo ng baboy.


Sigurado na bukang-buka ang lahat pagkatapos.

Heto ang pruweba:

Sunday, May 11, 2014

A BIKER'S EVERYDAY PANSIT

FORMAL DINNER PANSIT: A lonely tray of pansit canton in Kuya Jay's inaugural dinner menu helplessly overwhelmed by the gastronomic expectations of roasting calf and pig.


[TRIVIA 1: Find the pansit in the photo.]

BREAKFAST PANSIT: A heaping bowl of sotanghon guisado as the centerpiece of Kuya Fitz's magnificent breakfast spread proudly towering above plates of ham, meatloaf, hotdog, eggs, siomai, and fried rice.


[TRIVIA 2: Read Trivia 1.] 

BRUNCH PANSIT: Plates of freshly cooked canton-bihon combo from Kuya Froi superbly complemented with the ever present breakfast meatloaf and omelette, the welcome tinapa, and a surprise bowl of chicharong baboy.


[TRIVIA 3: Read Trivia 2.]

AND THEN THE CHURCH, after a hurried breakfast of oven-fresh pandesal liberally spiked with Chiz-Wiz squeezed from a sachet and washed down with fridge-cold Gatorade during an early morning bike stop in Llanera, and before an almost agonizing bike trip back to Munoz via Talavera.  



TRIVIA ANSWERS: [T1] Wala, dahil hindi pa naise-serve, [T2] hanapin na lang kung alin sa nakahain ang mukhang pansit, [T3] nasa mga plato, o nakain na kung wala na dun.