Bukod pa dun ang masyadong malakas na lasa ng giniling na baka na binili sa SaveMore.
Kulang kaya ito ng tomato sauce, o dahil sa SaveMore binili ang panahog na baka?
Masyado ang kulay ng pekeng ube ng halo-halong minerienda namin sa San Anton.
Siguro dahil sa brand ng food coloring na ginamit, o baka naman totoong ube nga 'yun.
At bilang tuldok sa Mahal na Araw ay aming ipinagpatuloy ang BISIkleTA IGLESIA nung Linggo ng Pagkabuhay.
Pero hindi mga iglesia o sambahan ang binisita namin.
Siguro, mas bagay na tawagin silang tambayan o pulungan bagamat napagkakamalan ang mga ito na sekta ng mga kontra Katoliko.
Pero hindi dahil Katoliko naman ako at naniniwala sa Diyos.
Buti na lang, pinag-almusal kami ni Kuya Dean ng goto-with-egg at pandesal ni Emong...
Masarap ang "mami" na inaalok ng noodle bar sa breakfast buffet ng Midas Hotel.
Malinamnam ang sabaw, maraming choices na panahog.
Ang naging kumbinasyon ko ay diced fish cakes, fried squid rings, isang kutsarita ng durog na litsong Macau para pampalasa, apat na piraso ng Chinese pechay, at isang dakot na pritong bawang.
Pinarisan ko ito ng isang pirasong steamed chicken, ibat'-ibang klase ng tinapay, 'tsaka kalahating plato ng pansit canton.
Masarap din ang tinapay, puede na ang kape, pero walang kuwenta talaga 'yung canton.
Ang masama, hindi ko pala naibalik ang SD card sa camera kaya ng kinunan ko ang aking pansit breakfast spread, heto ang lumabas:
Kaya siguro ako nagtae.
Buti na lang at may consolation prize.
Heto ang unang pityur ng aking bagong gawang kamera na kinunan kahapon:
Carbonara 'yung puti at Bolognese 'yung pula, mga putahe ng Joey's Pepperoni sa MOA.
Sa maniwala kayo o hindi, play money ang ipinambayad namin diyan.
Heto naman ang huling kuha ng kamera bago kami umuwi pabalik sa Nueva Ecija:
Scampi spaghetti 'yan ng Shrimp Shack sa MOA din, malapit na kamag-anak ng Aglo Olio.
Puede na.
Kahit nagtatae pa din ako habang nakabiyahe at hindi nakaboto si Kuya Jojit kasi may walk-out...
Kami ang mga Ariel Marana, Carlo Guieb, Armando Catalan, at Miguel Valentin ng aming panahon.
Kami ang mga alagad at deboto ng Madonna del Ghisallo na nagpasiyang ipagdiwang ang kanyang kabanalan sa ibabaw ng bisikleta ngayong Mahal na Araw.
Ito ang ikatlong yugto ng aming penitensiya.
Ito ang aming Bisita Iglesia.
Ngayong araw ding ito kami namanata sa simbahan ng mga pansit sa San Jose.
[Kasi hindi sumagot si Kuya Ernie sa tawag at text, hindi namin mahanap ang Lugaw Network, at wala nang arroz caldo ang 3/4].
Ngayong araw, kami ay nabinyagan ng mga sakristan ni Dacoco sa ilalim ng dalawang plato ng bihon guisado [malasa] at tig-iisang mangkok ng kim-lo [walang lasa].
Ngayong araw ko din nalaman na bawal na ang plastic bag sa Munoz kaya na-obliga akong mag-single hand sa bike para matabanan ang dalawang paper bag ng pandesal ni Emong na ipinabili ng Poon na nakatira sa aming bahay.
Galing sa karinderia ni Dalaga 'yan.
Para sa aming tatlo at sa katatapos na koronasyon ni Ate Joy bilang Royal Matron.
At sa 153 kilometrong tinatakbo na ng bago kong hulugan na bisikleta.
Kasama na ang halos isang linggo na bonding naming mag-aama dahil may shooting si Regine Velasquez sa Subic.
Ako si Robin Padilla at ang kokontra ay babarilin ko sa noo.