Tuesday, October 29, 2013

PANSIT SA PANAHON NG BAGYO, LINDOL, AT ELEKSIYON

Oktubre 14

Kahit papa'no ay hinimas ng bagong lutong miswa na iginisa sa patola at tinadtad na karneng baboy ang pagkagitla sa lakas ng hampas ng Bagyong Maring na bumunot sa mga matatandang puno ng akasya sa highway, tumumba sa mga sementong poste ng NEECO at CELCOR, at tumangay sa mga bubong ng mga barong-barong at magagarang bahay sa Cabanatuan.

Oktubre 16

Nakatulong ng bahagya ang paghigop ng mainit na mami na binili sa kanto upang unawain kung ang Diyos nga ba ang may akda sa lindol na tuluyang gumupo sa mga simbahan ng Dauis, Baclayon, Loboc, Maribojoc, Loon, at Loay sa Bohol.

Oktubre 28

Nakagigimbal ang panunuyo ng mga kandidato sa mga botante sa pamamagitan ng pamimigay ng ilang supot na Payless at isang kilo ng bigas na lasang putang-ina...


BABALA: Ang pansit sa itaas ay kasama sa handaan sa pagdiriwang ni Kuya Serge ng kanyang kaarawan at walang kinalalaman sa bagyo, lindol, at eleksiyon.    

Wednesday, October 16, 2013

ODE TO BOHOL

Just like that…

[I had it planned / to escape on a rented van // chase the road to Loon / a pit stop in Maribojoc // perhaps a glimpse of Loay too / even Dimiao as an afterthought // but later I said / much to my regret…]

...and a brutal self-flagellation.




FOOTNOTE: Photos of the colonial churches in Dauis, Baclayon, and Loboc were all taken between July 15-16, 2013.

Wednesday, October 09, 2013

ORION'S BELT

Once upon a time, tiny aliens from the Arquillian Galaxy came to Udyong to escape from an invasion of giant cockroaches. 

They first disguised as white friars to intimidate the natives and hid the treasure of their galaxy in the hollow of wood beams shaped into a cross.

In what is now Abucay, they re-established their kingdom and built a giant castle which today is known as the church of St. Dominic de Guzman who was actually their first king on earth.


But the earth's air was deadly for the lung-less Arquillians who eventually found refuge beneath the salty waters of Manila Bay where they morphed into various forms of sea species which fishers now catch and smoke into that famous Bataan tinapa and tuyo.




They built another castle in Udyong --- today known as the church of St. Michael the Archangel who was the Arquillian king at that time --- and moved there the treasure hidden in the cross at Abucay which is actually a set of tiny stars stitched into a belt that was smuggled into earth as the collar of a cat called Orion.


When the cat died while protecting the treasure from the giant cockroaches who finally found the Arquillian colony on earth, Udyong was renamed Orion in its honor and the treasure moved to a fortress built in present day Orani where it remains hidden until today in the necklace of its custodian who is known as the Nuestra Senora Virgen del Santo Rosario...

Thursday, October 03, 2013

THREE AND A HALF DAYS

LINGGO,

mabigat ang loob kong sumakay sa Five Star bus matapos ang lingguhang ritwal namin ng pamamalengke dahil obligado akong dumalo sa pagpupulong ng AK politburo --- batas ko kasi na natatanging pampamilya  lamang ang mga araw ng linggo --- na hinimas naman kahit papaano ng pag-level-up ko sa Candy Crush habang nakabiyahe kaya namili na din ako ng sitsarong-may-laman sa La Paz bilang pasalubong at naghimagas ng isang double sundae with double hot fudge sa Mcdo-Panay na agad kong naubos habang inihahatid ako ng berdeng traysikel sa Casa Pura kung saan inabutan kong ganado nang nagkukuwento si Matthew at hinainan ako ng late lunch na inihaw na salmon na pinatungan ng late dinner na callos bago kami sumakay sa susugaksugak na taxi papuntang UP Kapit Balay kung saan inabutan kong pinapayok ni Chito ang isang boteng red wine.


LUNES,

natuklasan kong may isa pa palang simbahang pamprotestante ang UP habang naglalakad para mag-almusal sa University Coop na ang pagkain ay inilalakong katulad ng mga pansit na nakapila sa bangketa ng Hidalgo at napagtanto kong ang adobo nila ay maasim at lasang panis bago ang kalahating araw na presentation ni ComYeb tungkol sa GDR na sinundan ko ng pag-uulat ng adaptation cluster na sinundan ng mga pag-uulat ng mga tiga technology, mitigation, at finance na natapos sa isang plenary-na-break-out-group-sana bago kami naghapunan ng chop suey, sisig, spicy shrimps, adobong kangkong, pinakbet, at sinigang na tiyan ng bangus sa Trellis na tinuldukan namin ng mga pagtatanghal sa isang videoke bar sa may Matalino kung saan bumirit ako ng "Bed of Roses".



MARTES,

tinapa, itlog, at babecue ang pinili kong almusal sa mga inihain ng University Coop na inilalakong parang mga ibenebentang ukay-ukay bago ko kinunan ang protestanteng Church of the Risen Lord sa unang pagkakataon at katolikong Church of the Holy Sacrifice sa pangalawang pagkakataon habang naglalakad kami pabalik sa Bahay Kalinaw, magmerienda ng lomi at pandesal sa kalagitnaan ng mahabang diskusyon sa organizational development, sumakay ng taxi papunta sana ng Central Office na pinderetso ko sa terminal ng Baliwag, at nakauwi sa bahay namin sa Bacal 2 ng bandang alas-9 ng gabi.




MIYERKULES,

alas-4 ng umaga ako nasakay ng Five Star bus pabalik sa Maynila at alas-7:30 ng taxi sa ilalim ng tulay ng EDSA-Quezon Avenue papuntang UP Bahay Kalinaw na ginalugad ko ng mabibiling yosi habang hinihintay si Lot at ang kanyang ipapahiram na winter overcoat bago ako nag-almusal ng humba-na-napagkamalan-kong-adobo sa Rodic's at nag-preside sa mga presentation nina Ate Alice tungkol sa loss and damage at Riza tungkol sa adaptation with co-benefits na kagyat kong nilisan matapos isara ang RTD papuntang Central Office kung saan nalaman ko kay Amor na nandoon pala sila ni Eboy kagabi, tinawagan si Goyie tungkol as pag-advance ng retirement benefit at kung ano na ang nangyayari sa pondo ng OP project bago hindi sinasadyang turuan ang tatanga-tangang taxi driver sa daang matuwid papunta sa terminal ng Baliwag sa Cubao, nakatabi ang lalaking may kakaibang amoy, at makauwi ulit sa wakas sa Bacal 2 ng ganap na ika-9 ng gabi...