Thursday, March 15, 2012

MABALOS!

Kahit namanhid ang aking puwet sa biyaheng katumbas ng flight mula Manila hanggang Los Angeles...

... kahit natalo ako ng P350.00 sa unang gabi ng aming Bating Tournament...

... kahit hindi muna ako masyadong nakakatulog at malapit na ding magkaroon ng high tech na sakit dahil sa katitipa sa computer...

... at kahit umalis ako ng bahay na may kaba sa dibdib dahil final exam nina Bulan sa Science High...

... ay napawing lahat sa isinalubong na isang bandehadong Pansit Bato sa aming pagdating.

Mabalos Bicol! It's great being back after some time.


PANSIT BATO: Nagmula sa bayan ng Bato sa Camarines Sur, ang pansit na ito ay gawa sa dried yellow noodles na ginisa sa sibuyas at bawang at tinimplahan ng toyo at Knorr seasoning. Mainam na partner sa dinuguan.

No comments: