Tsk tsk tsk...
Mukhang namana ni Bulan ang sumpa namin ng nanay niya sa Math.
Ilang araw din bago naghilom ang mga pangarap na kasabay napunit ng liham na nagsasabing hindi na siya makapag-eenrol sa CLSU Science High School.
At 'yun nga, hindi ko na maihahatid sa iskuwela ang mga gamit na nakalimutang dalhin. Hindi na niya masasabi sa magiging adviser sana nila na ayaw na naming sumali siya sa Search for the SSC King and Queen. Hindi na siya makakasama sa bamboo band at photography club.
Sabagay, natsuktsak din ako noong high school. Third year na ako noon. At dahil tinaihan ko ang lamesa ng aming adviser at ginawang banderitas sa flag pole ang mga panty na ninakaw namin sa girls' dormitory.
Karma?
Maaari. Pero eka nga, we live one day at a time.
Kaya matapos itampo ang mga ipagtatampo, isumpa ang mga nais isumpa, at itaga sa bato ang lahat nang kailangang itaga e kailangamg umusad.
Another lesson in Life 101.
At madami nga akong napatunayan sa karanasang ito.
Hindi naman kami iyakin kaya okey na 'yun. Gan'un lang naman ang disappointment. Kaya ipinagpansit pa din namin si Bulan sa Pizza Hut.
He took it like the man he is growing up to. And we are proud of him.
MGA LARAWAN: [1] Bulan in action sa Pizza Hut, at [2] ang collage na ginawa ni Bulan sa huling araw ng kanyang pagiging estudyante ng CLSU Science High School bilang pagpupugay sa mga alaala at makukulay na karanasan