Thursday, February 02, 2012

ANG DIWATA NG KASAGINGAN


Nabulabog ang isla ng Marinduque.

Sumaludo ang araw at yumuko ang mga alon sa kanyang daraanan; nagpulong ang mga tulingan at manakla kung kanino mapupunta ang karangalan na maihain sa magaganap na handaan; tumulas ang pawis ng mga Buyuboys upang punasan ang mga katawang nililok ng walang katapusang hamon ng buhay. 

Darating ang Diwata ng Kasagingan.


Ilabas ang bagong hangong tuba, igayak ang manok na adobado sa gata at tinola sa tanglad, hanguin ang bagong lutong uraro!

Sa kanyang pagdating ay pinaliguan siya ng bendeta mula sa bituka ng natutulog na bulkan upang maisakatuparan ang pangakong naudlot ilang taon na ang nakararaan sa Nueva Ecija.

Mabuhay ang mga Buyuboys! Mabuhay ang matibay na motorsiklo ni Nitoy! Mabuhay sina Haring Gaspar, Balatazar, at Melchor at ang 3 islang nagluwal kay Poctoy!


At bagamat lumukob ang dalamahati sa misteryosong pagpanaw ni Randy, at napanis ang iginayak na hapunan ni Ka Mac, at nangulila ang mga simbahan ng Sta. Cruz at Boac....

...bagamat sandaling umiyak ang langit...

...maligaya ang Diwata ng Kasagingan, at iyun ang pinakamahalaga sa kanyang mga konsorte.

Mabuhay si Roma!

No comments: