Monday, December 17, 2018

RATSADA

Naramdaman ko na nang makumbida akong dumalo sa isang ASEAN conference sa Maynila na makikipagkarera ako sa darating na linggo, at pagkatapos ay kakaliskisan ako ng GRAISEA PMU sa hindi pagtalima sa compliance rules dahil sa kakagyatan ng imbitasyon.

Pero mahirap pakawalan ang pagkakataong ibinigay ng AWEN kaya nagpakundisyon ako sa magarang So Fit Gym ng Sofitel, nag-yoga sa unang pagkakataon, at sumakay ng bisikleta sa aming anibersaryo upang mapaghandaan ang mga latay na magtatangkang durugin ang aking katawan at basagin ang aking kaisipan.     


Sa ganitong pagkakataon, hindi masamang magpamanhid ng tig-P450 na serbesa sa Snaps Sports Bar at Sunset Bar ng Sofitel, at tuklasin ang misteryo ng bagong bukas na 8 Seas Food Park Adventure sa may Timog.


Nakatulong din sa pagpapakatatag ang pagdalo sa pulong ng Munoz Bodies n'ung Biyernes at ng Model Court n'ung Sabado, lalo na ang pag-inom ng madaming "tunay na beer" pagkatapos ng mga nasabing pulong.



Dumaan ang aming ika-21 anibersaryo bilang mag-asawa na hindi namin namalayan dahil kami'y naging abala sa panlilimos ng mga raffle prizes para sa aming District Christmas Party na sinundan ng matinding inuman sa bakuran ni Kuya Egay na kararating lamang mula Amerika.


Ganyan natapos ang ratsada ng isang linggo at ako ay handa nang muling makidigma sa kahit sino...

Monday, December 10, 2018

UNA MANANA DE INTRIGA

Ang INTRIGA ay salitang Espanyol na nangangahulugan ng "pagsasagawa ng isang bagay na nakakapinsala sa reputasyon".

Sa kasalukuyang panahon at konteksto ng wikang Filipino, ang katumbas ng salitang INTRIGA ay tsismis o fake news at paninirang puri.


Maaaring kasuhan ng libel ang paninirang puri na ang katumbas sa aming matandang kapatiran ay unmasonic conduct. 



Kadalasan, ang INTRIGA ay nag-uumpisa sa inggit, kamangmangan o sadyang pagkawalanghiya.

Kaya para sa akin, ang mga intrigero ay mga kaawaawang nilalang dahil sila ay mapag-imbot [galit sila sa meron ang iba na wala sila], mga walang muwang [hindi nila naiintindihan kung ano kanilang pinasok] o sadyang maiitim ang budhi [ang misyon nila sa mundo ay manira ng kapwa]. 

Walang libre sa mundong ito. 

Respect is earned not demanded, and credibility is based on track record and not on what one thinks of himself.

Kung mahirap intindihan 'yan ay magbisikleta na lang muna at magnilay. 

Monday, December 03, 2018

THE BIG BANG THEORY

Amy went to outer space and left Sheldon grappling with the last string of their work on Super Asymmetry, a black hole that their bestie Leonard and Penny tried to fill with theoretical astrophysics and pharmaceutical analytics.

Howard could have helped too until he disappeared in his aerospace engineering laboratory with Bernadette whose bio-chemistry experiments suddently started jumping simultaneously. 


Fortunately, Friday's lechon and river snails fueled a miracle of mitosis that multiplied Raj the selective mute and Stuart the comic bookstore owner, and Leslie the physicist and Emily the dermatologist too, who all then dressed in green on Saturday to feast on gilled tilapia and pork barbecue, then changed to yellow on Sunday to serve Spanish rice and fried fish shanghai.   

The residents of 2311 North Los Robles Avenue, Pasadena, California are certified Trekkies and I am some kind of it too although I don't ride a Trek but a Giant, and my journey is not to the stars but to the trails...