Friday, May 07, 2010

VILLAROYO

Nakaligo ka na ba sa dagat ng pera?
Nakapag-Pasko ka na ba sa Amerika at Europa?
Yan ang tanong namin,
Tunay ka bang ka-level niya?


Nalaman mo na ba kung ilan ang bahay niya?
At magkakaroon din daw tayo ng tig-iisa?
Sa pamamagitan ng kanyang C5 at taga?

Si Villar ang tunay na mayaman.
si Villar ang tunay na may bilyones.
Si Villar ang may kakayahan
Na gumawa ng maraming pera.

Si Manny Villar ang kandidato
ni Arroyo.

Thursday, May 06, 2010

KUNG BAKIT HINDI KO IBOBOTO SI NOYNOY

Hindi ko iboboto si Noynoy bilang paggalang sa alaala ng isang krimen na naganap sa Mendiola at hustisyang hanggang sa ngayon ay niyuyurakan ng anino ng Hacienda Luisita na bantayog ng mga panginoong may lupa at oligarkiya.

Hindi ko iboboto si Noynoy dahil nanay niya si Cory na siyang may akda ng total war policy, na nagmatigas sa pagbabayad sa hindi makatarungang utang panlabas ng Pilipinas, na nagpumilit sa pamamalagi ng mga base militar ng Amerikano sa Pilipinas, at sumunod sa mga dikta ng IMF-World Bank.

Hndi ko iboboto si Noynoy dahil wala siyang nagawa para sa kapakanan ng sambayan sa kanyang paninilbihan bilang kongresman at senador.

Hindi ko iboboto si Noynoy dahil namatayan siya ng nanay. Ako at marami pang anak ay namatayan din ng mga nanay --- mga bayaning walang bantayog na iginapang ang aming mga pamilya sa kabila ng hirap sa buhay na pinalalala ng mga polisya ng mga pamahalaang sa matagal na panahon ay naging kabahagi ang mga Aquino at Cojuangco.

Hindi ko iboboto si Noynoy dahil kapag ginawa ko ito ay tuluyan ko nang tinalikuran ang dinatnang pangarap: babangon at uunlad ang bayan sa pamamagitan ng isang bagong pulitika na manggagaling sa lakas ng mga pamayanan…

Wednesday, April 28, 2010

OF CABS AND PIZZAS

The Yellow Cab Pizza Company got its name from using a yellow-and-black color pattern which is commonly used by real yellow cabs in the USA.

The American taxi industry started in New York in 1912 with the incorporation of the Yellow Taxicab Company.

The Yellow Cab name came in 1915 in Chicago as the taxi company of the eventual founder of the Hertz Rent-a-Car business which still uses a yellow logo.

But this blog is not about taxi cabs, so off to Yellow Cab Pizza's Charlie Chan chicken pasta which I found too spicy and which my flickr friend aliceinthepoetsheartland explained was "meant to tease [the] palate into savoring the pizza, [a New York classic pepperoni pizza in my case], because tastes blend in the mouth".