Monday, May 29, 2023

VIVA MAX (almost Mad but not Alvarado)

Dear Xerex,

Ang Kinsenas, Katapusan ay katumbas ng 13/18 at ang unti-unting pagtibag sa mga naikaskas sa credit card para makaipon ng pangkisame at pamasahe papunta sa Japan na siyang Obsession ng nagdiwang ng kanyang ika-51 kaarawan noong ika-22 ng Mayo.

Kulang ng isang paa ang litsong manok, makunat ang barbecue mula kay Bulan, gogi wanja ang sahog ng spaghetti, magaspang ang ga-mangkok na leche flan, tinubuan ng amag ang natirang black forest cake at Puno ice cream. 

Si Junior ang Tubero ng Bakal 2 na kailanman ay hindi sumipot kaya tuluyan nang nawala ang Lagaslas ng poso bago pa man maiabot ang susi kay Kuya Rey na sa unang pagkakataon ay dumaan sa bayan ng Natividad patungo at mula sa Palayan noong ika-27 ng Mayo.

Durog ang ginisang bitsuwelas, nagmantika ang sinaing na tulingan, sakto lang ang lambot ng litsong baka pero matabang ang timpla ng litsong baboy.  

Bagamat hindi natuloy ang Manila Erotica sa Cabanatuan ay nailuto naman ng maayos ang handa sa kaarawan ng kapitbahay matapos masiguro sa Bula na walang singaw ang regulator at matiyak na may laman pa ang Gasul sa pamamagitan ng Silip sa Apoy.

Makunat ang sinampalukang ulo ng kambing at lechong paksiw, malasa ang kaldereta pero may kulang sa timpla ng sisig.

Kamuntik nang mailunsad ang Sex Games sa 32nd SEA Games na pinawi ng 5 araw na pagpadyak sa Munoz bago tuluyang iniuwi ni Bulan ang bisikleta niya sa Maynila habang nagpapamudmud ng bigas si Mayora.  

Sangkatutak na suso ang nakabilad sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan na pansamantalang tinabingan ng itim na kurtina dahil walang permiso na makipag-Phone Sex si Ara Mina sa Jakarta...

No comments: