Sunday, April 28, 2019

HUMBA, SINUGLAO AT IBA PA

oo

nakaantabay na ang maliligalig na gabi 
ang pagbubunyi kay San Juan Bautista Evangelista

mabubuhay ang palengkeng itinaboy ni Kristo
at sa Bukidnon ang mga alay na baka ay igagayak  

inihayag ng Mariskal ang mga Gran Maestre
mga pinipitagan ng kumakalog na bulwagan 



hindi inasahan

ang iginayak na pagkain ng Hapon sa pananghalian
ang humbang masabaw, ang tabontabon sa sinuglao 

Aba ginoong bakla ako ay lubos na nasorpresa
Lasang gatas at sariwa ang bagong huling isda
Tuklap ang kapote ng may agam-agam at pangamba
Erehe ang sumisid sa banal at nag-aapoy na lawa
Asupre nga ang tumagas sa sugat na namamasa 




sa Binondo

nagpulong ang tropa ni Gat Jose Rizal
[Panciteria Maquinista de Buen Gusto]
pancit canton at lumpiang shanghai na malutong
[New Toho Food Center]
ang sahog ng mami ay karneng baka at hindi pusa
[Lan Zhou La Mien]  


No comments: