Monday, April 30, 2018

ANCOM 2018

sa Davao ko huling isinuot ang Lilang Apron
du'n ko unang nakita si Pantaleon
 at nadinig magmura si Digong




sa Davao ko huling nakasama ang mga Ginoo
du'n ko natuklas ang lihim ng mga Guro
at itinabi ang tapis at hiyas sa baul 




mga dighay ng tuna belly, balaybay at bihud
pasalubong sa nagbalik mula Saigon
mga tanda ng nagdaang ANCOM   



No comments: