Monday, January 25, 2016

ISANG LINGGONG SERBESA

Isang biglaang hapunan ang tumuldok 
sa isang linggong pagdiriwang


Pritong isda at Spam, litson at barbecue
ang mga naihandang ulam


Yan ay nung linggo na nag-umpisa nung Lunes kasama ang bisikleta at matitikas na barkada 


At nung Martes nang magkasunog sa E.Rodriguez
sa may Meranti kasama ang tropa sa Maynila


Nung Miyerkules ay bumaha ng pizza
at nung Huwebes ay AlTangHap na mag-isa


Ang Biernes ay nahantong sa Kanto Grill 
at maligamgam na serbesa

Pananghaliang kambing nadako ang Sabado 
na nagtapos sa may Paleta


Kaya n'ung Linggo ay na-obligang magbisikleta
bago ang hapunang naikuwento na sa una


No comments: