Monday, November 23, 2015

THE BREAKFAST OF [feeling] CHAMPIONS

Madalas ay lugaw, with egg or chicken, na may kasamang tokwa't baboy ang almusal namin pagkatapos magbisikleta.

O kaya ay bagong hango na toasted siopao at buko roll kung madadaan kami sa Baloc.

Pero sa Cuyapo, wala kaming mahanap na lugawan at panaderya kaya pinagtiyagaan na lamang ang lumang hopia at pan de coco para kahit papaano ay may pampadyak sa sinalihan naming karera.



Katulad ng dati, kinapos ako sa patag, hindi nakayanan ng pabaon na nilagang itlog at saging ang ratratan sa unahan.

Hanggang sa marating namin ang mga rough road, ang mga daang kariton, ang mas masikip at malalalim na daang kalabaw, at ang mga akyatin.

Doon sumikad ang extra power mula sa sikretong pagkain na muling bumuhay sa alamat nina Ariel Marana, Carlo Guieb, at Ryan Tangilig. 


Sa mga trails ako nag-umpisang humabol at tumuhog bago ganap na nakabuwelo sa mga ahunin.

Mula doon ay tuluyan nang kumawala ang bisa ng sikretong pagkain na nagbigay sa akin nang lakas hamunin ang huli ngunit pinakamahabang akyatin, at biritin ang natitirang apat na kilometro ng malapad, patag, at sementadong kalsada.




Tinapos ko ang 31.7 kilometrong karera sa kabuuang bilis na 20.3 kilometro kada oras, kasama na ang mga akyating may kabuuang 156 metro, na parang walang nangyari.


'Yan ang bisa ng aming Breakfast of Champions, ang sikretong pagkain na madalas ulamin ng madami.

Dalawang bagay lang 'yan: balatong for Tatay, pansit for Balong.

Monday, November 16, 2015

THE DAY THE FIREFLIES FLEW FOR THE TUKTUK

There never were so many bikers and so many blinking lights, and AGT was just awed and happy to be there, the rightness of deciding to stay over the weekend confirmed, and definitely worth the 3 am wake up call.


Happiness too were Komrad Bong and Kuya Darwin who traveled all the way from Nueva Ecija to be a firefly, the sleepless journey somehow soothed by an early morning breakfast of spam and eggs at Burger King and the amusement from a variety of costumed bikers and their interestingly garnished rides, and a pep talk from the reigning Miss Universe-Air that was well applauded by the dominantly male crowd despite a hitch in the sound system.




It was a sight to behold as thousands of blinking bikers assembled together but the best moment was the retaking of EDSA, if only for an hour, when motor vehicles gave way to a spread of bicycles of all sizes and forms pedaling all the way to the Quezon City Hall, to Marikina through the usually traffic-choked city roads, and back to Tiendesitas via expressways and flyovers that were primarily designed for cars.




It was a slow 31-kilometer ride on pure pavement and there were no finisher's medal, but there was Ebe Dancel, the must-be-famous Up Dharma Down, and remnants of Tropical Depression who sang for the fireflies who stayed patiently for the raffle prizes while we tried selling the idea of a tuktuk travelling to Paris.


Finally, the blinkers were turned off, the fireflies went home one by one after the raffle draw and the concert, and the tuktuk got enough signatures to be able to move closer to the Eiffel Tower. 

Monday, November 09, 2015

MAYNILA, SA GULONG NI AGT

Sa unang pagkakataon ay natikman ni AGT ang kalsada ng Maynila [aka Quezon City].

Si Kuya Andres mismo ang sumalubong sa kanya sa tapat ng Vinzons Hall [Kuya nga ba si WQV?].



Umikot si AGT sa paligid ng Sunken Garden, naghanap nang mabibiling yosi sa University Shopping Center, at nagpa-pityur kasama ang mga magta-traysikel ng GROW [#TuktuktoParis].


Higit sa lahat, sinamahan niyang magbisikleta ang sikat na kusinerong si Erwan Heussaff, kapatid ni Solenn Heussaff, at boypren ni Anne Curtis [may pityur naman pala with Tita Maya!].


Kinilig ng todo si AGT, lalo na nang nakipag-alembongan sa kanya sa ilalim ng isang puno sa Sunken Graden ang balangkinitang road bike ni Erwan habang nagyayaya ang celebrity chef sa mga pasahero na sumakay na sa #TuktuktoParis [ang kabilang pisngi ng #EyestoParis ni Cassie].



Binata na si AGT, at malayo na ang narating niya mula sa kinalakhang mga daang kariton ng Nueva Ecija [at mga bundok ng Carranglan, Pantabangan, at Papaya]...


TALA BABA: Ang unang dalawang larawan ay kuha ni Bong Soriano samantalang ang pityur kasama si Erwan at Tita Maya ay hango sa Oxfam Blogs.

Tuesday, November 03, 2015

RESBAK

Ito ang ika-11 beses kong biyahe sa Europa at palagi, ang pinakamagandang tanawin pag-uwi ay ang paglubog ng araw sa taas na 30,000 talampakan pag-alis ng eroplano sa Taipei. 


Ang ibig sabihin kasi nito ay mahigit isang oras na lang ang Maynila bagamat halos anim na oras pa ang biyahe mula d'un papuntang Nueva Ecija na nagagamot naman ng mainit na pagsalubong [sa mga pasalubong] ng batang nasa ibaba.


Nangangahulugan din ito na pagkatapos ng mga mahahabang lakad at gabi sa Germany at Belgium ay masasakyan ko na ulit si AGT para pagpagin ang mga kalawang na namuo mula sa mga nainom na beer at nakain na mga tsokolate, keso, at longganisa.

Ito ang resbak sa panahon ng undas para sa dalawang linggong walang bisikleta.


Ito din ang araw ng resbak ni Balong na nabigong pumadyak patungong Villa Isla sa unang pagkakataon noong undas dahil sa sirang gulong.




Sa araw na 'yun niya nalaman na ang premyo pagkatapos akyatin ang mga burol ay isang pakete ng Skyflakes at isang malamig na bote ng sakto sa "7-11" ng Villa Isla.