Wednesday, September 03, 2014

ANG UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJA AY "PANSIT CABAGAN!"

Tumpak.

'Yan ang umalingawngaw sa kabundukan ng Laur na hindi kinayang pukawin ng sizzling adobong kambing ni LM. 

Sa ika-112 taon ng unang sigaw ng Nueva Ecija ay umalsa ang isang tumpok ng harinang nilubid na sa pamamagitan ng mahika ng kapatid-sa-pananampalataya ni Kuya Rhomel ay inihaing isang bilao ng umuusok at masabaw na Pansit Cabagan.



At nagsipagbunyi ang mga anak ni Haring Solomon sa maaga nilang pananghalian.

Mabuhay si Heneral LLanera at ang bayan ng Talavera!  

No comments: