Sunday, August 31, 2014

THE ONE WEEK PANSIT DIARY

Perhaps I should try the Italian section, which I did, after the quartet did a sorry rendition of Bruno Mars' "When I Was Your Man" and The Script's "Than Man Who Can't Moved", although the pasta chef asked for my selection back because it was not heated, which when returned surprisingly blended well with sashimi that is the highlight of a gluttonous SUNDAY lunch at Dad's World Buffet. 


The next day, I am sure that there was indeed pancit canton on the catered dinner of shanghaied fish flakes, chicken adobo wafting of lemon grass, guising-guising nearing the jellying stage, lengua creamed to the max, and lechong kawali minus the crunch as the Lodge of Instruction concluded on a MONDAY that was supposed to be a national holiday.


That was prelude to a welcome road trip that got somehow doused by an extremely disappointing serving of what looked like pasta pesto left languishing in the serving tray for too long as a ho-hum TUESDAY suddenly exploded with an impromptu cover of Louis Armstrong's "What a Wonderful World" which threatened to burst the basement seams of the Sulo Hotel...



...the same lonely pasta pesto making an almost sadistic comeback on WEDNESDAY, so redundant I refused to have anything to do with it, before a somewhat assuaging thrill of finally feeling Fred's Revolucion and that unforgettable Thai fish curry on crispy noodles of theirs cooked in Che Guevarra's kitchen and washed down with pitchers of fresh mango daiquiri.  



THURSDAY was a bore which I killed pretending to be a lawyer revising an amendment to a contract, and then walking all levels of the Trinoma Mall until almost succumbing to the temptation of the Hanamaruken Ramen  before settling for two scoops of Pinoy-flavored ice cream. 


And then FRIDAY, no pansit, only ginisang monggo and fried lapu-lapu for lunch, and a boring business meeting which I pretend not to be attending by doing a futile attempt in bringing to life the ramen announced in an ad magazine, during which I came up with an alibi not to attend another contract signing, and got me a hitch to the Baliwag bus station for the long ride back home.


The next day, two huge bilaos of sotanghon guisado was served with breakfast hotdogs and eggs, so huge they looked almost untouched as Kuya Monic's Masonic orientation spilled into the regular SATURDAY meeting, surviving merienda and lunch with barely half of one consumed, extending into fellowship time before being sent to the gas pump attendants, the other bilao finding its way to Guimba where a horde of drunken anniversary celebrating alumni finger-ate it until its edible life span expired.


Monday, August 25, 2014

SI KUYA PEPE SA LOOB NG ISANG ARAW

Wala pang UP noong panahon ni Kuya Pepe. 

Ang meron ay Ateneo kung saan siya nag-hayskul, at UST kung saan siya nagkolehiyo. 

Parehong bigatin ang dalawang eskuwelahan.

Hanggang ngayon, mabigat pa din sa bulsa.

Kaya kako kay Bulan, UP o CLSU lamang ang option namin.

'Yang UST at Ateneo ay para madanas naman niya kung paano ang entrance test doon, at pang-antabay kung sakaling manalo kami sa lotto.

Kako, makinig ka na lang sa "When I was Your Man" cover ng quartet sa Dad's World Buffet, at subukan ang fusion ng pasta [pansit ng mga Italyano] at sashimi [kinilaw ng mga hapon]. 



Pero si Balong, ayaw pumayag na hindi makapunta sa Luneta.


Lagi daw kasi niyang nababasa 'yun sa libro pero hindi pa niya napupuntahan.

"Torjakan n'ung araw 'yang Japanese Garden. D'un ginarote 'yung tatlong pari. At dito binaril si Kuya Pepe".


Hindi kursunada ni Ateng ang pagto-tour guide ko.

"Sa Quiapo na lang tayo magpatay ng oras. Puntahan natin yung bahay ni Nakpil".

Si Bong naman ang maging giya, at d'un ko nalaman na kapatid ko pala si Julio Nakpil at maayos naman ang naging buhay ni Ate Oriang matapos mapatay si Kuya Andres. 

Pinaupo pa ako sa magarang tumba-tumba na paborito daw gamitin ni Kuya Pepe n'ung araw!
 


Ayos, tatlong kabanata sa buhay ni Kuya Pepe sa loob ng isang araw.

Paglabas namin sa Kalye Barbosa ay bumungad ang simbahan ng Quiapo.

Nagpatihuli ako, naglabas ng panyo, at kumaway.

San makapasa si Bulan sa UPCAT.

O kung hindi man ay sana manalo kami ng lotto para may ipambabayad sa UST o Ateneo. 

Monday, August 18, 2014

ISANG ARAW NANG MALIGAW SI PAENG NEPOMUCENO SA MANRIO


Siya 'yung madalas kong kausap sa labas, at heto ang ilan sa mga dialogue namin:



AKO: Naligaw ka yata?

PAENG: Masalimuot sa Maynila. Alam mo ba kung bakit 16 na beses pabalikbalik ang isang senador sa Beijing? Dating aide ni Macoy ang tatay niya, at sa China itinago nina Macoy ang mga nakulimbat nila. Ngayon, magkapartido ang senador at anak ni Macoy, at kunyari ay inaayos niya ang banggaan ng China at PH sa Panatag Shoal para hindi mahalata ang mga biyahe niya sa Beijing. 

AKO: Alam mo bang sa SOD Bowling Lanes kami unang nag-date ni Ateng?

PAENG: May assassination plot sa presidente kaya sa Naga City siya nag-celebrate ng independence day dahil baka ma-snipe siya sa Luneta. Ibinawal na din ang pagdadala ng Barret Gun sa PH dahil dito. May kuneksiyon ito sa pagkakahuli nu'ng gun runner na Fil-Am senator ng California. 

AKO: Alas-12 ng gabi na kami nakauwi at sa may kanto na kinatitirikan ngayon ng Jollibee kami nag-abang ng bus. Dalin Liner yata 'yung nasakyan namin.

PAENG: 'Yung kumpanyang nanalo para sa maintenance ng MRT ay dummy lang. Walang kakayanan kaya kinakahoy ang mga lumang bagon. Dahil luma ang replacement parts, madalas ang pagpalya ng mga tren. Hindi kasi nila akalaing kakanta 'yung Czech ambassador at huli na ang lahat ng ibaba nila sa $15 million ang hinihingi nilang tong-pats.

AKO: Du'n sa SOD 'yung eksena ng seduction ni Laurice Guillen kay Christopher De Leon sa "Tinimbang ka Ngunit Kulang" ni Lino Brocka.

PAENG: Worried ang mga kapatid ng presidente na makulong siya dahil sa DAP pagbaba niya sa puwesto. Kaya pumuposisyon sila sa mga liyamado. 'Yun kasing gustong patakbuhin ng kapatid nila ay walang kapanapanalo.

AKO: Gusto mo ng pansit? May natira pa mula sa magiging meeting namin sa Miyerkules. Korean noodles, kasing lamig ng ref, at may kasamang ilang hiwa ng century egg, manok, at baboy.



PAENG: Ang pinakatatagong sikreto ng gobiyerno at mga negosyante ay ang malaking deposito ng langis at natural gas malapit sa Malampaya, sa Sulu Archipelgao, at sa Liguasan Marsh. 'Yan ang premyo ng pakikipag-ayos sa MILF at nakataya sa 2016 election.

AKO: Sama kang mag-bike sa amin. Kaninang umaga, naka 91 kilometro kami. Dumalaw din kami sa dalawang templo ng mga anak ni Haring Solomon. 




PAENG: Aralin ninyong mabuti ang poverty map ng NEDA. Minasahe ang data kaya kumonti ang bilang ng mga mahihirap na probinsiya. Sayang ang pagkakataon ng presidente. Siya pa naman ang tinitignan na may kakayanang iayos ang bansa. Pero mukhang wala siyang legacy na maiiwanan maliban sa pagpapakulong sa mga kalaban niya at pambu-bully sa Supreme Court.

AKO: Umuwi ka na nga. Kung ano-anong tsismis ang ikinikuwento mo. Baka magkatotoo pa 'yan e mahirap na...

Monday, August 11, 2014

I AM TIGER WOODS

Ang golf pala ay parang larong holen na may gamit na pamalo.

Pareho lang halos ang prinsipyo bagamat para sa bata ang holen at sa matanda naman ang golf dahil nga kailangan ng baon na tungkod.

Ang malaking pagkakaiba ay karaniwang mga hampas lupa ang naglalaro ng holen at may kaya naman ang naghahampas ng lupa sa golf.

Halos hindi ako maka-shoot ng bola sa unang hawak at palo ko ng golf club sa magarang palaruan ng Capitol Hills Golf and Country Club.


Bigla ko tuloy naalala si Bertolt Brecht.

Dahil hindi na nga uso ang larong holen ay may mga bata kaya sa karatig bahayan na nanonood sa mga mamang naglalaro ng golf?

Ako si Tiger Woods.

Sina Holly Sampson, Joslyn James, at Loredana Jolie ang mga paborito ko sa aking 12 kabit, at pansit ang madalas kong meryenda. 


TALA BABA: Walang kinalalaman kay Tiger Woods at sa golf ang matabang na pansit palabok sa itaas na ipinameryenda ni Kuya Dennis sa mga bumisita sa kanyang tiga GP at 11.11.11.  

Friday, August 08, 2014

PANSIT IN THE TIME OF TAG-ULAN

Like this o!

[Moises, demonstrating the art of eating pansit palabok as the rain outside come and go and come again and go again].


And guess what they have for merienda?

[[And pansit again in the afternoon [bihon guisado], for breakfast [payless], for merienda [spaghetti], for lunch [pansit kanin], for snack again [mami], for dinner [miswa], and the next day and the day after that and forever and ever [malabon, cabagan, lomi, sotanghon, carbonara, atbp].


O, you dig now why pansit should be the national dish?

It rocks especially during tag-ulan!