Monday, January 28, 2013

HIGH MASS

Rerouted traffic and higher tricycle rates are reliable omens of a fiesta celebration in progress.

But a fully armed battle-dressed police contingent in the church yard is something else.


Perhaps it might be explained by the more-than-usual number of priests in their not so holy duty of honor guards waiting for some big shot's arrival.


Will that be that lengthy procession snaking from the street?


Or yeah, the select mitered bishops emanating from the side entrances!


And surely the aging elite Princes of the Church in their ornate imminence!


I gave way to a lady in black who complained I was blocking her just as some knights raised their swords in salute.


And made my way to the choir loft courtesy of a reluctant permission from an edgy seminarian as the rites of the high mass began.


My luck of stumbling-into-surprise-photo-ops still holds.

So let's sing and drink to that said a colleague as Aksiyon Klima wraps up its Casa San Pablo retreat.

Monday, January 21, 2013

STONED MILES: SINA BATO, APDO, AT DR. CAYCO

23 days ago...

Dear Bato:

Pasensiya ka na sa 3 beer at ilang hibla ng litsong tupa kanina. 

Hindi mo naman siguro naramdaman 'yun.

Natuwa lang ako sa kaganapan ng aking paglalakbay pa-Kanluran mula sa Timog


14-25 days ago... 

Dear Apdo

Hindi ko nakayanan e. 

Pero 3 San Mig Lights lang naman sa Casa San Pablo. At tikim sa ilang pirasong adobong baboy at sinigang na pata.

'Di ko na din napigilan na mag-ambag ang aming Boss Tsip at Big Boss para sa isang case na beer

Bisperas kasi ng bertdey ko. 

Na hinugasan pa ng 3 o 4 na bote sa may Roosevelt Avenue.

Bertdey ko nga.

Pero dry ako sa mismong bertdey ko. 

Isang hiwa lamang ng Red Ribbon chocolate cake ang pinakamataas na antas ng natikman kong bawal.


D Day...

Dear Doc Cayco:

Inaamin kong kalabisan na ang 2 bote at litsong baka sa handaan ni Kuya Artfel. 

At sobrang malaswa na ang 5 pang bote at patatim nang sa wakas ay pormal na maidaos ang aking bertdey celebration

May dala nga pala akong isang bandehadong pansit buko mula San Pablo para sa iyo.

Palinawin mo ulit ang ihi ko ha? 

Monday, January 14, 2013

DALAWANG BALITA NG KAMATAYAN

Ika-22 ng Disyembre 2012
Alas-3 ng hapon

Beep! Beep! Beep!

[Binaril daw nanay niya! Patay!]

Beep! Beep! Beep!

[Bakit nila ginawa sa nanay ko 'yun? Hu hu hu...]

Beep! Beep! Beep!

[Be strong...]

Sa bugso nga ng mababangis na punglo ay marahas na ibinagsak ang haligi ng tahanan.

Ikaw ngayon, mahal naming kaibigan, ang papasan sa bigat na itinitindig nito,

At ang tutuklas sa misteryo kung bakit ang impit na pagbubunyi ng muling pagdadaupan ay nagaganap sa mga pagluluksang katulad nito...


Ika-10 ng Enero 2013
Alas-6 ng umaga

"Pumanaw na si Konsehal kagabi."

"Ha?"

Beep! Beep! Beep!

"Sir, patay na daw si Konse. Kagabi, alas onse."

"Ha?"

Beep! Beep! Beep!

"Pare, wala na si Konse."

"Ha?"

Sa matalim na kamandag ng karamdaman at dialysis ay sumuko ang katawang lupa.

Malungkot ang mga pagbubunying magaganap sa mga kaarawan ngayong Enero,

Katulad ng bakanteng silyang inilaan ng mga tapat na kaibigan sa kanang bahagi ng mahabang lamesa na madalas niyang pinipuwestuhan...