Saturday, October 15, 2011

MAMA BUTCH, INA NG LAGING SAKLOLO


Ang naaalala ko kay Mama ay ang mga uwi niyang buto ng hamon tuwing magbabakasyon siya sa Maynila.

'Tsaka 'yung kinilaw niyang talaba na nagbunsod ng karera sa amin nina Amor at Kata kung sino ang unang makakarating sa napakalaking banyo ng Joenga. Every 2 minutes.

'Tsaka 'yung maliit niyang kabinet na madalas naming hiraman ng t-shirt kahit di kami nagpapaalam sa kanya.

'Tsaka 'yung pag-coach niya kay Dada kung ano ang dapat gawin sa mga date nila ni Gaspar.

'Tsaka 'yung abutan namin siya ni Willy na maglilinis sa napakalawak na sibuyasan with all the colorful kurkurantings.

'Tsaka 'nung isinama niya kami nina Utol at Blance sa Pansol para maligo sa hot spring at kumain ng sinigang na kanduli.

'Tsaka 'yung konsepto niya ng ideal man na bangulbangolan at naglalangis katulad ni Al Carasco.


Madami pang ibang ala-ala. Nakakatuwa. Nakaka-miss.

Pero para sa madami sa amin, siya ang ina ng laging saklolo na takbuhan sa oras ng krisis. 

Katulad ng biglang pagsulpot ng magaling na kapatid kong kolehiyala para humingi ng allowance na magpapatsuktsak din pala kaya hindi na nakatapos. 

Ayaw niya ng mga malulungkot na eksena kaya n'ung farewell party niya bago mag-migrate sa US ay bigla na lang siyang naglaho.

Amerikano na siya nang muli naming makita at ipagluto kami ng mechado. 

At pinadalhan pa kami pagkatapos ng isang napakalaking package na pamasko kasama ang mga ni-request na x-rated video. 

Nagkita ulit kami sa LA after 5 years at d'un ko natuklasan na Butchoy pala ang nickname niya (pinanggalingan ng Butch?) at puede na niyang labanan sa karera si Schumacher (ni ayaw niyang umangkas so motorsiklo noon!) at isa na siyang accomplished nurse (di ba takot siya sa karayom dati?).

Walang nagbago. Siya pa din ang aming Mama Burch na Ina ng Laging Saklolo...


MGA LARAWAN: [1] Si Ruel ang unang photographer na nanggaling sa Nueva Ecija Branch at kuha niya ang unang larawan sa itaas halos 2 dekada na ang nakakaraan, na na-download ko sa Facebook account ni Tatang. [2] Ang pangalawang larawan naman ay mga kuha ko kay Mama Butch habang ipinapasyal niya ako sa LA area. [3] Ang pangatlong larawan ay kuha sa museum ng Mission San Buenaventura. 

2 comments:

bekang said...

manunulat ka nga; malikot ang iyong isip, malibog ang iyong guni-guni, may saysay ang iyong mga likha. sa bawat tipa ng iyong mga galamay ay isang obra ang isinisilang. saludo ako sa 'yo!

Ruel Y. Quezon said...

so nice naman shubs.,.,..dami ko pang kopya nitong film na to...hays,how i miss those days....si mama butch...nung pinakain ko ng "kinilaw" na lalaking ita sa casiguran!heheheh