Saturday, July 30, 2011

PUERTO PRINSESA

Tama.

Ang pangalang Puerto Prinsesa ay nagmula sa alamat ng isang mala-prinsesang dilag na mahilig mag-stroll sa gabi (white lady?).

Tama din.

Na ang Puerto Prinsesa ay ipinangalan kay Prinsesa Asuncion, ipinanganak kay Reyna Isablla II at ng kanyang konsorte noong 1864, na maagang kinuha ni Lord.

Mali.

Na akalain kong ang Puerto Prinsesa ay kasinglaki ng Davao o Cagayan De Oro o Cebu o Bacolod o Iloilo.

Mali din.

Na iugnay ko ang pagiging sikat ng isang lugar sa antas ng urbanisasyon nito.

Maganda ang katedral ng Puerto Prinsesa. At masarap ang Mongolian Noodles na inihain sa Hotel Centro.



TALABABA: Ang kasaysayan ng Katedral ng Imaculada Concepcion ay nag-umpisa sa pagkakatayo ng isang bisita noong 1872. Ang pansit sa itaas ang naging pananghalian ko sa unang araw ng pagdating ko sa Puerto Prinsesa.

No comments: