Sunday, March 20, 2011

PRUSISYON

Hindi ako relihiyosong tao pero nanniniwala ako sa Dakilang Lumikha ng Sanlibutan.

Medyo allergic ako sa mga simbahan.

Wala akong bilib sa mga rebulto (lalo na sa mga paring pedophile at mahilig sa tsuktsakan).

'Yung pagsama ko sa prusisyon ni San Jose ay mas pagbibigay sa kahilingan ng isang kaibigan.

At bago nga naganap 'yun ay nag-anak muna ako ng binyag at naaya sa harapang Emperador Lights.

Alas singko ng hapon nag-umpisa ang prusisyon.

Ang ruta: simbahan, boundary, riverside, pantok, kabilang baryo, sentro, looban, simbahan.

Nagpaltos ang palad ko sa paghila ng karosa pero magaan ang pakiramdam at mahimbing ang naging pagtulog pagkatapos ng prusisyon...


TALABABA: Ang larawan sa itaas ay ang simbahan ng Lian sa Batangas.

No comments: