Sunday, September 05, 2010

MUNTIK NA!

… akong makapag-asawa ng tiga-Aliaga nang mamanhikan akong mag-isa doon pero pinauwi ako’t tawagin ko daw mga magulang ko. Hindi na ako bumalik.

… akong mahulog sa tore ng simbahan nang bulyawan ako ni Oyet na nireregla yata noon. Hanapin ko daw ang simbolo ng mga Pransiskano, Dominikano, o ano pa mang mga pagano sa loob ng kampana ng Bibiclat. Naging maniniyot tuloy ako ng mga lumang simbahan.

… akong magkaroon nang kumpare na municipal administrator kung nanalo sana ang kandidato niya sa pagka-alkalde ng Aliaga. Hayan, sa baba niya tuloy tumubo ang mga buhok niya.

… akong maubusan ng pansit photos dahil tinatamad na akong magbitbit ng kamera. Buti na lang nagbertdey si Kuya Egay kaya may pansit photo dito bagamat wala itong kinalalaman sa simbahan ng Aliaga.


No comments: