Friday, December 14, 2007

ISANG TULA ANIM NA BUWAN BAGO SUMAPIT ANG HIMALA NG DISYEMBRE 14

Andiyan ka pala
Hi, hello, good evening, kumusta
Impit na mga tula
Nanghuhuli ng himala.

Pa’no na nga ba ulit?
Ang alam ko’y uminom ng gin
At magpasyon ng tahimik.

Saan uumpisahan
Ang awit ng ulan
Sa panahon ng tag-araw?

Ewan ko
Basta sasayaw ako ng El Bimbo
At iipunin ang maalat na balat
ng butong pakwang kinukukot mo.
Baka sakali
Mapansin mong kumakanta ako
Kahit na wala sa tono.

(30 Mayo 1997, Central Luzon State University)

No comments: