Friday, August 31, 2007

EkspoSining

“sa huling linggo ng Agosto 2007,
sa lobby ng CLSU college of arts and sciences,
sa pangunguna ng communicators for development…”







Sinasabing ang pinakamakapangyarihang lunduyan ng pagpapahayag ay ang sining-biswal, lalo na sa larangan ng pagguhit, pagpinta at potograpiya. Naipapaabot nito ang kaisipan at damdamin ng may gawa, na siya namang aantig sa pagpapahalaga at emosyon ng mga makamamalas nito. Nagsisilbi rin itong bukas na bintana ng mga natatanging kaganapan na kinalinga ng kasaysayan, pinayayabong ng kasalukuyan at hahamon sa kinabukasan.



Napaiigting din ng pag-aalala sa nakaraan, pagpapahalaga sa kasalukuyan at pagtanaw sa kinabukasan an ating pagka-Pilipino. At sa pamamagitan ng pagguhit, pagpinta at potograpiya, nagkakaroon ng linaw ang hugis at anyo ng ating kultura, kalakip ang ating mga paniniwala at nakakahiligan, kaya nararapat lamang na pagyamanin ang mga ito…


JUN LISONDRA
. Si Jun ay isang digital photography enthusiast, manunulat, makata, nobelista, graphic designer, nahuhumaling sa paghahalaman, isang software engineer, at web application developer.
Siyam na taon siyang nagtrabaho sa dalawang magkahiwalay na NGO. Nitong Mayo 2007 ay nagresign siya upang i-pursue ang kanyang freelance career sa outsourcing. Katulad nila Bill Gates, Quentin Tarantino at Tom Hanks, tinalikuran ni Jun ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo bago pa man siya sumampa sa kanyang 3rd year.

Ayaw niya ng usok ng sigarilyo, masisikip na lugar, ang square root ng number 5829, nuclear power plants, mga grim and determined, PhD degree holders, si Wendy at Bruce ng PBB, karne ng baboy, at Kapuso channel. Addict siya sa Naruto, Grey’s Anatomy at Justice League Unlimited.




BEN DOMINGO JR. Higit na kilala sa larangan ng pagsulat at pagbigkas, Si Tatay Ben ay mahilig din sa potograpiya lalo na ng mga paksang may kaugnayan sa kalikasan at kapaligiran. Natuklasan at napagyaman niya ang kahiligang ito sa kanyang madalas na paglilibot sa iba’t-ibang lugar hindi lamang sa ating kapuluan at mga dayuhang lupain.

Nahimbing ng may ilang dekada ang hilig sa potograpiya ni Tatay Ben ngunit muling nagising ito ng magbalik siya sa isa rin niyang kinahihiligan --- ang pag-akyat ng mga kabundukan --- na tinampukan ng ikatlo niyang matagumpay na pagyapak sa ituktok ng Bundok Pulag na siyang pinakamataas na bahagi ng isla ng Luzon nitong nakaraang Pebrero. Sa Kanyang pag-akyat, nakakatha din siya ng ilang tula, kabilang ang “Mutya ng Kordilyera”, habang ang kanyang pangkat --- ang Blue Hearts Mountaineers --- ay koletibong idinodokumento ang kariktan ng kalikasan sa pamamagitan ng kamera.

Ipinanganak sa Lungsod ng Cabanatuan, si Tatay Ben ay kasalukuyang guro ng English at Development Communication sa CLSU College of Arts and Sciences.




ELITO CIRCA. Lalong kilala bilang Amang Pintor, si Tolits ay tubong Pantabangan kung saan umusbong ang kanyang hilig sa pagguhit at pagpinta. Ang mga unang umakit sa kanyang makasining na pansin ay ang matayog na bundok ng Mingan na nakatanod sa gawing silangan ng kanilang bayan, at ang simboryo ng kanilang lumang simbahan na ngayon ay nasa pusod na ng lawa pagkatapos na palubugin ang kanilang pamayanan ng konstruksiyon ng Pantabangan Dam noong dekada 70. Ginamit niya ang bundok at simbahan bilang inspirasyon sa kanyang pagbuo ng ilang serye ng mga obra na naitanghal na hindi lamang sa Pantabangan kundi sa iba’t-iba pang lalawigan ng Pilipinas.

Bagamat wala siyang pormal na pagsasanay sa larangang-sining na ito, ang kanyang kakaibang pamamaraan ay kinikilala na ngayon sa pagiging katangi-tangi: ang paggamit ng kanyang sariling buhok at dugo sa pagpapalutang ng mga imahe sa kanyang mga likha.
Dahil sa kanyang mga gawaing nagtatampok sa kasaysayan at kultura ng Pantabangan, napili siya ng Civil Service Commission noong 1998 para tumanggap ng gawad na “Public Service Through Public Trust” award. Sa kasalukyan, siya ay isang systems analyst sa Bureau of Post-harvest Research and Extension (BPRE).



SHUBERT CIENCIA. Si Shubert ay ipinanganak sa Bambang (Nueva Vizcaya), nag-grade 1 sa Naguillian (Isabela), balik sa Bambang para sa grade 2, grades 3 at 4 sa Mapandan (Pangasinan), grade 5 sa Paniqui (Tarlac), sa Bambang ulit para sa grade 6, 1st -3rd year high school sa Alicia (Isabela), tapos Bambang ulit. Nakatira siya ngayon sa Nueva Ecija kung saan nagpapatuloy ang kanyang mga kamanghamanghang paglalakbay sa Pilipinas at ibang bansa.

Ipinakilala siya sa daigdig ng mga lumang simbahan ng isa ring kapwa lagalag. Madalas siyang magbiyahe at minabuti na nga niyang daanan ang mga ito kung may pagkakataon. Pang-alis baga ng buryong. Na ikinatataka ng jowa niya dahil hindi naman siya relihiyoso. “Berto, akala ko pagano ka. Baka kung ano na yan ha! Puputulin ko yan!”

Ilang taon ang lumipas bago niya napagmunimunihan kung bakit nga ba adik siya sa mga lumang simbahan. Missionary teacher ang kanyang nanay samantalang literature evangelist naman ang tatay niya. Palaging katabi o malapit sa mga simbahan ang kanilang mga tinirhan. Siguro naging ugali na niya na dapat na may simbahan siyang naaamoy palagi. Maaaring ito rin ang dahilan kung bakit allergic siyang magsimba. Nanawa kumbaga.

Sa mga simbahan din niya inumpisahan ang paghahanap sa kanilang nakaraan. Dito niya natuklasan na may kinalalaman ang mga ito sa pagtakas ng mga ninuno ng nanay niya mula Ilocos Norte papuntang Nueva Vizcaya. At sa simbahan ng Obando din niya natagpuan ang isang dokumento na nagsasabing ang apelyido pala ng mga ninuno ng tatay niya noon ay Ciencia Cruz. Hindi pa niya alam kung may lahi silang prayle.

Si Shubert ay isang rural development manager ng Philippine Rural Reconstruction Movement, aktibong kampanyador ng Social Watch Philippines at Rice Watch and Action Network, at nakikisawsaw sa iba pang mga NGO network at koalisyon.




(Hango sa brochure na inilimbag para sa EkspoSining. Ang exhibit na itinaguyod ng CODE ay kolektibong inisponsoran ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), International Network of Alternative Financing Institutions-Philippines (INAFI-Philippines), Rice Watch and Action Network (R1), Bb. Meg Manubay at ang kanyang tinadahan, United Ilocandia Fraternity and Sorority, Artist Club, at Blue Hearts Mountaineering Club.)





MGA LARAWAN (pababa mula sa itaas):
(1) Ang mga komadrona ng EkspoSining at (2) laspag na mga pulutan ng ilan gabi ring inuman. (3) Ang aking blog na hugutan ko ng mga nilulumot na tula para sa mga langong poetry reading . (4) Ang pagbubukas ng EkspoSining nina (mula sa kaliwa) Tolits Circa, Dean Rene Reyes ng CAS, ang Department Chair ng English at Humanities, ang pangulo ng CLSU na si Dr. Ruben Sevilleja, at Tatay Ben (5) Si Jun --- ang litratistang makata. (6) Si Tatay Ben at (7) ang kanyang mga larawan ng Bundok Pulag. (8) Ang kahusayan ni Amang Pintor sa pagpipinta na gamit lamang ang kanyang mga daliri. (9) Ako at isang kapwa litratista sa kamera ni Tolits, at (10) ang aking mga lumang simbahan. (11) Ang mga bumisita sa eksibit at (12) nakinig sa lecture. (13) Mga tiga-CODE, manghang-mangha sa pagbigkas ng tula ni Jun, kinagabihan pagkatapos ng eksibit.

Friday, August 24, 2007

AN-ANNONG

Embalsamado ang hangin
sa bahay na salamin,
lasong hinihinga ng mga ulilang takot sa orasyon
at sa tusok ng karayom.

Ingay ng mga tansan
ng serbesang balingkinitan,
kumakalansing sa ihi ng kaluluwang lango sa usok
ng ensensong mapusok.

Ilabas ang mga tangkay
ng guyabano at malunggay,
hampasin ang malignong pilak ang balahibo
nang maitaboy ang engkanto.

Ihanda ang atang
pitong piraso laban sa barang,
nang maging ganap ang mga pangarap na sumargo
mula sa mga payaso.

Isagawa ang lualo, ang nobena
“O Birheng Marya, Apo Di Makitkita,
bendisyunan ang kamandag ng mapanganib na espiritu
upang kagat sa likod ay di matetano”.

Nasaan ang manggagamot
ang orasyon at mga hilot?
Sila’y namumulot ng mga menundensiyang kumatas
mula sa mga tagiliran nilang butas.

“Umaycan Abet, madi ca agbatbati!”

- Bacal Dos, Talavera, Nueva Ecija (2004)

MEXICO, PAMPANGA. The town’s name is said to have originated from the word “masico” which means the abundance of water. It was later translated by the Spaniards into its current form. Another account is the town was called Nuevo Mexico because of its similarity to Mexico City or because it was founded by Mexican immigrants.

Mexico was accepted by the Augustinians as an ecclesiastical mission in 1581. There are currently no information on who built the first parochial structures that have been reported to be heavily damaged in the earthquakes of 1645 and 1658. The church was probably rebuilt in 1665, and then perhaps rebuilt or restored again at around 1689 by Fr. Jose dela Cruz (OSA), repaired again in 1778 and at around 1863, before finally being severely damaged in the earthquake of 1880. The church was never restored and only the bell tower remained of the old structure.



*Sa mga Tagalog, ang AN-ANNONG ay katumbas ng USOG (i.e. napaglaruan ng mga hindi nakikita).

Saturday, August 18, 2007

DANIW (Kay Karina at Kiko Maniego)

Kung bakit pinagtipan kayo ni Apo Lakay
ay kapalaran na lamang marahil ang dahilan.
Ang mahalaga’y nagsalo kayo
sa nag-iisang mangkok ng pinakbet.
Sumumpa ka, Kiko,
iguguhit mo ang kanyang larawan sa mga alon ng Lawang Asul,
paaawitin ang mga nawawalang kampana ng Lumang Simbahan,
at huhugutin ang lumubog na Torre sa bituka ng lupa.
Makulay ang mga sandali ng inyong isang gabi,
mga haplos sa dibdib, mga kumawalang maiinit na hininga
habang nakatuntong sa ilusyon ng Hari’t Reyna.
Sayang nga lang at kailangang maubos ang Basi
at tuluyan nang natuyo ang katas ng bagoong.
Ikaw, Karina, ay walang nagawa
kundi timplahin ang tubig dagat sa ilang patak ng luha
habang pinipilit pigilin ni Kiko ang pagbura ng alon
sa mga pangalang nakasulat sa pampang.

(Ilocos Norte, Nobiyembre 1990)

*Ang DANIW ay salitang Iluko na ang singkahulugan sa Tagalog ay tula.



CANDABA, PAMPANGA. Candaba is an ancient town that was once called Pinac in reference to its big swamp. The Augustinians accepted it as a visita of Calumpit in 1575. The first church was built in 1591 of light materials. Fr. Jose dela Cruz (OSA) had another church built with stronger materials from 1665 until 1669. Fr. Esteban Ibeas initiated repairs and improvements in 1878. Fr. Antonio Bravo (OSA) had the bell tower built and probably the convent in 1881. Fr. Vicente Ferrer (OSA) later had the church enlarged. Although other priests initiated later improvements, the façade remains original.

Sunday, August 12, 2007

MAUDI A PAKADA

The following is Dr. Hermogenes F. Belen’s Ilocano translation of Dr. Jose P. Rizal’s “Mi Ultimo Adios”. A photocopy was given to us by his daughter --- Demelsa “Demi” Belen-Agoncillo --- who is our kumare and Ninang to Balong. I never did thanked her for sharing and entrusting such a precious work…



Agpakadaakon ay-ayatek nga ili: ayuyang nasudi a lawag!
Gameng dagiti baybay daya: sanyatami a napukaw…
Biagko siaayatak a mangidiaya: nakurapay, awanen gasat
No koma pay nasudsudi, nay-ayamuom, ken nalaslasbang
Ipaayko pay la kenka no isut’ mangted pagimbagam!

Kadagiti tay-ak paggugubatan : iti kapingetan ti laban
Impatlit’ daddumat’ biagda : awan duadua, awan alidunget !
Ti lugar awan kaimudinganna : laurel, lirio, wenno sypres :
Pagbitayan wenno dangadangan: panagtibay wenno panagranget:
Padapada no agpaay pagimbagan ti ili ken pagtaengan…!

Matayak no makitak iti tangatang ti agbukan a lawag
A mangirakurak iti agsapa: sukat rabii a nalidem!
No kasapulam ti maris: maris a pangtina iti bannawag
Ibukbukmo, ipasagepsep mo ti umiso a kanito ‘toy darak
Tapno ti sinamar iti kaippasngay a lawag palangtwem!

Inar-arapaap ko idi ubingak: naganusak nga atutubo…
Inar-arapaap ko idi nataenganak: addan pammati, isipko:
Makitakanto, O gameng taaw i-daya, iti maysa nga aldaw
Awanan kullaap dagita mata: naranga dayta mugingmo…
Awanan mulit: awanan alidunget: ken awanan tulaw!

Kabayuatan ti panagbiagko indawdawatko a kankanayon
Ti panaglasbangmo: irarir kararwak ngannnganin pumanaw!
Ti panaglasbangmo: nagimasen bumaba tapno ngumatako ka:
Ti matay tapno agbiagka: matay linung langitmo nasin-aw:
Ket nalamuyot a tanapmo paginanaakto iti kinaagnanayon.

No makimtamto’t rabaw ti tanem ko iti maysa nga aldaw
Kadagiti ruruot ti tumobonto a sabonga nalapsat…
Iyasidegmo dagita bibigmo tapno maagkanto’t kararwak:
Ket iti kaunggan iti nalamiis a tanemko mariknak
Ti panaglailonto dayta naatil ken napudot a sang-aw!

Bay-am ti bulan a mangbantay kaniak: nasudi, natalna:
Bay-am ti bannawag a mangyaplid kaippasngay a lawag
Bay-am ti amian nga agday-eng, agirair iti nakas-ang
Ket no addanto maysa a billit nga agdisso iti padeppak
Bay-am nga agdaniw: agkanta ti samiweng kinatalna!

Bay-am ti nadarang nga init a mangtunaw kadagiti tudo
Tapno umalingasawda a mangipato iti tarigagayko!
Bay-am maysa a pagayam mangdung-aw nasapa nga ipupusayko!
No itinto kaltaang rabrabii malagipdakto nga ikararag
Kumararagkanto met, O Ilik! Tapno sidong Dios aginanaak!

Ikararagko dagiti natnatay: awanan pagayam ken gasat:
Dagiti natured: nangibaklay adu a tuok a naglabas…
Dagiti nakaay-ay-ay nga inna: lumanglang-ab kinapait:
Dagiti ul-ulila, balbalo, agtutuok pagbaludan a naiget!
Kumararagka met tapno makitam inka pannakaruk-at…

No yantantanem sallukoban rabii iti nangisit nga abigay;
No dagiti laengen natnatay dagit natda nga agbantay –
Dimo singaen ti talna: pagbus-oyam palimed nga agdapla!.
Samiweng matimudno nga agtaud iti katibeng wenno gitarra
Siak dayta, ay-ayatek a daga, umay mangandingay kenka!

No saanmonton a mailasin disso a nakaitabunak
Ta napukawen bato a pagtandaanan wenno padeppak:
Bay-am ti daga a bukwalen ti nagaget a mannalon…
Ket dagiti tulangko, kasanguanan inda pannakaiwaras
Kas tapuk bay-am ida a mainayon iti kinaagnanayon !

Awan kaimudinganna nga idulindak ken tagilipat:
Ti amianmo, tangatangmo, tantanapmo agdaliasatak!
Samiweng, nasudi ken natibung dumanonto ‘ta lapayag!
Ayamuom, maris, arasaas, samiweng, sennaay, lawag –
Kankanayonto a dagullitenda ti pammatik a di maumag!

Daga a patpatgek, puon ladingitko a di masbaalan…
Ingungutek a Filipinas: timudem ti maudi a pakadak:
Ibatik kenka ti amin: kamanko, dagiti napateg kaniak!
Yuyeng awan adipen, berdugos, mangirurumen mapanak!
Yuyeng a pagbiagan pammati: yuyeng a Dios ti agturay!

Agpakadaak, nagannak kaniak, kakabsatko, kanaig kararwak:
Pagayamko a kinaubingak sidong pagtaengan a napukaw…
Agyamankayo ta kalpasan napaksuy nga aldaw aginanaak!
Panawankan nasudi a ganganaet: kasimpungalak, liwliwak!
Inay-ayatko: panawankayon, ipupusay isut’ panaginanan!

December 30, 1968
Manila




CHURCH OF STA. ANA (STA. ANA, PAMPANGA. Pinpin, Sta. Ana’s old name, was accepted as an Augustinian visita of Arayat in 1598. It was said to be named after a Chinese mestizo during the reign of Malangsic from 1135 until 1380. A Father Ferrer (OSA) initiated the building of the present church in 1853 that was finished during the term of Fr. Lucas Gonzales (OSA) in 1857. Father Gonzales also had the bell tower built. Fr. Antonio Redondo supervised the construction of the convent in 1866. Fr. Francisco Diaz (OSA) and Paulino Fernandez (OSA) supervised the church’s restoration in 1872 and 1877, respectively.

Saturday, August 04, 2007

PARALUMAN



Ako
taong bato
nagsasayaw
ng El Bimbo
Paraluman
diwatang
naka-Tretorn
ng lipstick
na blue
diwatang blue
lipstick
ng sigarilyo
tansang
usok
bote
ng hamog

(Zambales, 03 Nobiyembre 1996)



SIMBAHAN STA. CRUZ, ZAMBALES. Ang misyon ng Sta. Cruz ay inumpisahan ng mga Agustinong Recoleto noong 1812. Sila din ang nagtayo sa simbahan na ilang beses nang isinaayos.


SIMBAHAN NG MASINLOC, ZAMBALES. Itinayo ng mga Agustinong Recoleto sa pagitan ng huling bahagi ng ika-18 milenyo at mga unang taon ng ika-19 na milenyo. Nasira sa isang lindol kumakailan. Ang simbahan ni San Andres Apostol ay may natatangi at napakagandang nililok na koro, at itinanghal na National Heritage Site ng NCCA.




SIMBAHAN NG BOTOLAN, ZAMBALES. Itinayo ng mga Agustinong Recoleto mula sa mga bloke ng koral noong 1700 at isa sa mga pinakamatandang nakatayong kolonyal na simbahan sa Pilipinas.