nangawit ang dalaga sa kuwadro
natuyo ang tapayan ng serbesa
ang inilako ba nung miyerkules
ay tunay o mga guniguni lamang?
ang pagdiriwang sa Gran Lohiya
ay tumulay sa alambreng sinulid
nabuhay kaya ang tinaga sa batok
o alamat itong nung sabado nagtapos?
ang mga hinubarang walang mukha
silang nalunod sa ingay ng kaluskus
matabang katulad ng inulam ni Bulan
nakakaumay na parang hapunan ni Balong.
mabuti pa ang bisikleta't may natutunguhan
sangandaan, ambon at almusal na bulalo
ang panaginip, tila nagwawakas sa hilik
parang kuwento ng pulis na Probinsiyano
nauulit pero hindi natatapos...