Tuesday, December 17, 2013

ANGELES OVERNIGHT

Halos isang oras ang biyahe mula Cubao hanggang SM-San Fernando, kasama na ang pagsakay sa mga pasahero ng isa pang bus na nawalan ng preno sa NLEX at sumundot sa puwet ng kapwa nito bus, na nadagdagan ng isa pang masalimuot na biyahe mula SM papuntang Angeles dahil sa nakababaliw na trapik sa may Marquee Mall, at halos isa pang oras mula sa binabaan ko ng dyip hanggang mahanap ng traysikel na parang-taxi-maningil-ng-pamasahe ang aking hotel kung saan naging tagapakinig ako sa hampas ng head board ng kama sa dingding mula sa kabilang kuwarto at naulinigan ang impit na ungol ng isang babae na hayaan lang na magsuntukan ang kama at dingding bago ako lumabas at naghapunan sa isang Greek Restaurant na katabi ng hotel.  


Kinaumagahan, muling nagpalabas ang kabilang kuwarto --- ang sarap sabi ng babae, huwag kang sumigaw sabi ng lalaki, wala akong pakialam ang sagot ng babae, dilaan daw sa itlog, puede daw sa puwet kapag matigas --- kaya muli akong lumabas ng kuwarto at nag-almusal ng mamantikang Australian breakfast at nagpahatid sa SM-San Fernando para sa biyahe pabalik ng Maynila.


Kagabi, may anghel na bumaba at sumamba sa kabilang kuwarto. Hindi ko lang alam kung may baon siyang pansit...
     

Sunday, December 15, 2013

CLARK BALIKAN

Pagkatapos mag-black out ang viewfinder ng camera ko matapos kunan ang pityur sa ibaba...


...ay bigla kong naalala na ika-16 na taong anibersaryo nga pala ng kasal namin ni Ateng.

"Hmp!" ang sabi nang tinawagan ko.

Hindi siya maghahanda ng pansit...

...at huwag na huwag daw akong mag-uuwi ng pityur ng kahit anong simbahan. 

Tuesday, December 03, 2013

SUBIC AND BACK

Nagpunta ako sa Subic para makigulo sa National Brown Rice Conference.


At magmerienda ng kulay brown na bihon guisado.


Ayos ang conference.

Walang kuwenta ang pansit.

Sunday, December 01, 2013

ANG PAGBABALIK NG GOBERNADOR atbp

Siya si Bagis Henry [nakapagitna].


Kilala din siya sa palayaw na "Ukop" (halimlim sa Tagalog].

Si Brod Henry alyas Ukop ang ninong namin sa aming final initiation sa frat noong 1989.

Ngayon lang ulit kami nagkita buhat n'ung grumadweyt siya.

And'un din si Bagis Leo [nakapula at umaabot sa bote ng Emperador Lights] at Bagis Tiki-Tiki [nakaberde, napangalanan dahil madalas daw magsuot noon ng t-shirt na may markang American Tiki-Tiki].


Watalubs pa din si Brod Leo [siya si Leovin Cojuangco noon].

Madalas kong ka-chat pero matagal ko na ding hindi nakita sa personal. 

Dumating din sina Bagis Romeo [PNP, nakapula] na gustong maging Mason, Bagis Rod [PAGASA, nakaputi] na isa nang Mason, at Bagis Darling [nakabughaw at nakatayo, Darlito ang ngalan niya kaya gan'un ang palayaw niya] na hindi Mason.


Siyempre, may long table ng kung ano-ano [tsampiyon ang dala ni Brod Darling na inihaw na baby balyena].


At sabayan kaming kumanta [nakatayo pa, kasi anthem ng frat] ng "Today" ["...while the blossom still clings to the vine..."].


Matagal na panahon bago ako ulit nakadalo sa anniversary at homecoming ng frat.

At napansin kong madami sa mga batang brod and sis ang Tagalog na ang lengguahe...