-I-
They will take me to the airport and along the way passed by the office and do some last minute shopping at the MOA and at the same time celebrate Balong's upcoming birthday that I will be missing.
That was the plan until a passenger jeep lost its brakes and softly dented our car along Espana.
We did make it to MOA, buy me long socks, lunched at Sbarro as Balong's birthday treat, and made it to the airport.
Just the same, the stress from the accident sweated my shirt that was supposed to be on me for two days of travelling.
And we were not able to find a 46-52 mm lens converter for Bulan's camera.
-II-
It was supposed to be a comfortable 13-hour flight to Amsterdam until I found out that the seat I paid an extra $37 does not recline and with a malfunctioning entertainment system too which does not align with my natural viewing posture.
And we had a stop at Taipei which is not reflected in the electronic ticket.
That means plus 4 hours on top of the 13.
I did made it to Schipol after a marathon viewing of "Argo", "Broken City", and "Gangster Squad" with patterns of sleep in between.
And finally cold and balmy Bonn.
-III-
The next day, paisano Lando Velasco of the UNFCCC invited us to dinner in his place.
That took the cold out momentarily, and soothed away the weariness of travel with heaps of grilled pork, chicken wings, fish, zuchinni, and eggplant; cauldrons of paksiw and sinigang na isda, carnivore kare-kare, bicol express, paradosdos/bilo-bilo/tambotambong; and a liberal flow of Riesling with green grapes, Dutch cheese, and chips on the side.
PHOTO CREDIT: Last two photos taken by Usec. Fred Serrano.
May kapalit daw na suwerte ang bawat kamalasan.
Katulad ni Kuya Raffy na biglang sumulpot sa NLEX sakay ng ambulansiya ng Licab nang pumalya ang matanda nang sasakyan ng opisina habang papaluwas para sa visa interview ko sa German Embassy.
Sa matuling sabi, nakarating ako ng maayos sa Embassy kung saan madali namang tinanggap ang aking submissions at hindi na ulit siningil sa visa fee.
('Yung unang application ko ang medyo mahigpit. Ganun pa din sa pangalawa pero hindi na ako siningil ng visa fee).
Lunes 'yun. Dumating ang visa ko ng Miyerkules at ang magandang balita na ang kahilingan ko para sa 2-year Schengen visa ay natupad na.
Ang ibig sabihin n'un ay malilibre na ako sa makonsumong proseso (sa panahon, effort, at gastos) ng visa application ngayong taon.
Para sa mga nagkaloob ang isang bilaong pansit sa ibaba mula sa Cuyapo.
Danke!
Dedma lang n'ung nasa kolehiyo pa kami.
Sa Filipino subjects lang naman kasi kami nagkikita kung saan madalas niyang kasama at katsikihan si C na may crush naman kay A na pinabantayan sa kanya kaya napasok siya sa kapatirang USP; sa kanilang dalawa ang mga pagkakautang ko ng madaming piraso ng iba't-ibang sukat ng papel (1/4, 1/2, buo) mula sa lahat ng naging quiz sa klase dahil buhaghag lang na toothbrush at baling ball pen na Reynolds ang tangi kong naibubulsa sa kupas at butas-butas na maong.
Nagkapansinan n'ung nasa graduate school na kami.
Heto kasing si E na nagbidang may crush sa akin si J sa madalas naming inuman na pabiro ko namang sinagot na si BL ang crush ko na mukhang nakarating yata sa kanya dahil biglang naging visible sa IGS dorm hanggang nagkaayaang mag-bowling sa San Jose na sinundan ng isang gabing tantiyahaan minsang makitulog siya kay O na sister ko sa kapatirang UI na nagpaubaya naman sa aming dalawa; natapos ang kabanata sa katagang "try natin" matapos ko siyang basahan ng tula at habang inihahatid ko sa sakayan ng dyip sa main gate.
Du'n napako ang MS niya.
Dahil pagka-graduate ko ng Abril noong 1997 ay nakasal kami ng Disyembre ng taon ding 'yun na itinuloy niya hanggang thesis matapos maipagbunti si Bulan kung saan naudlot sa pagdating ni Balong at nakalimutan hanggang sa mabuklat niya ang mga lumang dokumento noong Mayo ng 2013 at nalaman sa kumare naming dekano na puede pang ituloy dahil nakapag-file naman pala siya ng leave of absence sa kundisyong mag-eenrol siya ng isang semestreng refresher course.
Grumadweyt na nga.
Kako, hindi ko nga dinaluhan ang graduation ball at baccalaureate at tea party noong kolehiyo tayo pati na ang graduation ko sa master's degree dahil ayokong nakikinig ng madaming salita kaya mga bata na lang isama mo na siya ngang nangyari maliban sa tea party na kinatamaran na ding daluhan dahil madami namang maiiinom na tsaa sa bahay bagamat sumama na din akong nagmartsa sa graduation kinabukasan dahil may bagong bili akong asul na polo barong; matapos maisuot ang hood niya at maiabot ang matagal na minithing diploma na mas pangit yata ang disenyo ngayon kaysa noong sa amin ay tumakas na kami pauwi...
TALABABA: Ang mga larawan mula sa Graduation Ball (pinakataas), Baccalaureate (gitna), at Graduation Procession (pinakababa) ay pawang mga kuha ng aming panganay na si Bulan kasama ang bunso naming si Balong.
Hindi 'din talaga nakakatulong ang paghalungkat ng mga lumang gamit.
Katulad niyan, biglang nahukay ni jowa ang mga graduate student files niya.
"Ay, pasado na nga pala ako sa compre!"
"May thesis outline na din pala ako!"
(Ako, habang kinakausap ng tahimik ang sarili: "Anak ng..., hindi mo alam?")
"Ituloy ko kaya?", sabay tingin ng malagkit sa akin.
(Ako, sa sarili lang ulit: "Ako ba ang kailangang magdesisyon diyan?")
Ganyan ang kuwento ng pagkakaipon sa kalahating dangkal na thesis outline dahil hindi pa pala siya nakapag-present nito, at ang suma tutal na apat na dangkal ng draft manuscript.
(Ako, sa sarili ko ulit: "Ba't kaya sa akin kinukuha ang pampa-xerox e hindi ko naman thesis 'yan?")
Ganyan ang kuwento ng ilang puyat at tensiyonadong araw.
(Ako, sa sarili ko ulit: "Ba't naman kaya kami ang napag-iinitan sa pabalikbalik na mansucript?")
At ganyan nga ang kuwento ng pagkaka-stress ko ng halos isang buwan.
(Ako, pabulong na pero mahina para di marinig: "E hindi ko naman thesis 'yan, ba't sa akin mo pinasusulat? Ano bang malay ko sa mga ANOVA at regression na 'yan e isa lamang akong tahimik na mamamayan?")
"Gawan mo ako ng story board sa thesis defense!"
(Ako, medyo nakasimangot na pero tahimik pa din: "E kung ako na din kaya ang mag-defend?")
Pero natapos din.
Bago 'yun ay muntik na akong magkikisay nang malamang mali ang middle initial ng isang adviser pagkatapos ma-reproduce nang 7 copies ang manuscript.
Pero natapos nga din.
(Ako, umaalingangaw sa aking ngiting aso: "Asan ang premyo ko!")
FOOTNOTE: All images downloaded from Google.