Monday, October 22, 2012

BERLIN versus CEBU

Two things why, almost reluctantly, I accepted an invitation to Cebu City:

[1] the colonial heritage church of Boljoon plus that
      chance to upgrade my stupid Olympus Camedia point
      -and-shoot photos with my Olympus OMD-EM5;
[2] to accommodate the Department of Agriculture who
      owe us a P4.3 million project that was approved and
      allocated in 2011 but, according to them, remains
      unfunded;

Two things why I declined Usec Fred's offer to travel to Berlin:

[1] I already confirmed Cebu and have planned for Boljoon 
     (and Argao and Carcar too);
[2] I thought Berlin is too far and too short and would
     almost be as angular as Bonn.

Cebu +factor: fellowship with a fellow Traveler.

Berlin -factor: tons of "loss and damage" stuff expected in Doha anyway.

Usec's photos of the 200+ years old Catedral de la Virgen Maria de la Conception Imaculada de la Habana in Cuba will do for the moment...  


Thursday, October 18, 2012

NAIWAN KO ANG PANGALAN NIYA SA BULSIKOT NG MGA ALAALA

Ngayon nga, biglaang kumatas ang ilang pirasong natira sa kanya:

     ang kutis niyang kulay nana at katawang kawangis ng    
     nililok na kandila sa Recto na sumambulat sa aking
     panatag na paglalakabay.

Sa Kawit na ako mag-aalmusal; d'un ko na din tatanungin ang sakristan kung nasaan ang tindahan ng Jollibee;


     at kung si Aguinaldo nga ba ang tumuklap sa mga pader

     ng simbahan;



     kung nangumpisal na si Don Ramon sa simbahan ng 
     Imus;



     at kung bakit nag-cha-cha ang pari sa altar ng retokadong
     simbahan ng Silang.



(Madalang na daw ang hindi buntis na ikinakasal ang wika niya.)

Pero sumpa man, ni hindi ko nahaplos o nayakap o nahalikan yaong walang pangalan:

     walang mantsa ang kumot ng kamang madalas naming
     pagtabihan;
    
     walang naiwang mga buhok sa upuan ng stainless jeep na
     aming tinambayan.

Ang tanging nadukot sa bulsikot...

     ay sa General Mariano Alvarez siya nagmula na ngayo'y
     kasing trapik na ng EDSA...
   
     habang ako nama'y nanggaling sa makiwal na lansangan
     ng Nueva Vizcaya.

Nakakatuwa ang kayang gawin ng mga kalsada.

Katulad ng pag-alog sa bulsikot ng mga alaala.

Wednesday, October 10, 2012

SEMI CUM LAUDE

Ang importante lang naman noon e magka-diploma.

Aanhin ba kasi ang sobra ng gradong tres?

Basta tatapusin ko ang kolehiyo nang apat na taon at walang singko.

Kaya papasok, a-absent.

Si Me-an, asar na asar dahil mas mataas pa din ang grade ko sa kanya sa "Malikhaing Pagsulat" kahit na hindi ko pinasukan ng kalahating semestre samantalang wala siya kahit ni isang absent.

Nakatikim pa nga ako ng ilang College (1.75 GPA) at University (1.50 GPA) Scholarships.

Pagdating sa dulo ng ikaapat na taon, ang kabuuang suma ko ay 1.78 GPA.

Sayang daw,

0.03 na lang at cum laude na.

Kung hindi sana ako na-tres sa PI 105 dahil dinebate ko ang CARP framework ng aming propesor; o sa ComSci 100 dahil hindi ko talaga ma-gets ang paggawa ng flowchart; o sa Physics 100 dahil nasanay akong maglurok ng mga panaginip pero hindi sa pagkuwenta kung ilang litro ng formalin ang kailangan ng isang bangkay na may bigat na 75 kilo.

Pero hindi sumama ang loob ko.

Hindi ako naghinayang.

Kaya palagay ko, okey lang.

Happy naman ako sa mga naging choices ko sa Pamantasan ng Puso...


Monday, October 08, 2012

BOARD EXAMS


PBET ang kasunod na hamon pagka-graduate namin sa kolehiyo noong 1993.

Binigyan ako ng pera para mag-review pero nanghinayang akong gastusin 'yun.

Kaya iginala ko na lang 'yung pang-review ko 'tsaka nanghiram ng lumang reviewer.

Sa Maynila ako nag-exam.

Ako ang kaunaunahang natapos.

Pag-uwi ay kinapos ako sa pamasahe pa-Nueva Ecija dahil hindi na naibalik ni Raffy A. 'yung hiniram niyang P300.

Hindi din ako napahiram ni Joel A. na unang nilapitan ko.

Kaya bumaba ako sa San Miguel, Bulacan kung saan nagkasya ang pera ko at nanghiram ng P100 sa ka-JARMMS kong si Joan para makauwi.

Alam kong papasa ako kahit maaga kong tinapos 'yung exam at hindi ako nag-review.

Pero hindi ko inaasahan na makakasama ako sa Top 3 ng CLSU (sina Tarods na dekano na ngayon sa CLSU at Bb. Vilma Santos ang dalawa pa).

Iginayak pa nga kami ng recognition event na hindi ko dinaluhan kung saan binigyan kami ng certificate of appreciation na si Tarods na ang tumanggap para sa akin.

Kaya pala dahil pang Top 20 sa buong Pilipinas 'yung resulta namin noon na nito ko na lamang nalaman kay Tarods.

Last week, sinabihan ko si Bulan na huwag niyang gagayahin yung diskarte ko sa board exam noon.

Dahil baka kako ako lang ang maaaring nakagawa ng gan'un...