Ganun na nga.
Naubos ang Fundador at mga beer na binili nina Pareng Dante at Eboy, napagkamalan kong paramdam ni Boss Joey ang Baygon na ini-spray ni Quachin, at natalo ako ng P400 sa bating.
Nakapagsara pa naman kami ng pulong kinabukasan kahit brownout.
At pinilit na makauwi dahil wala na akong isusuot na brief kinabukasan.
Ganun na nga ulit.
Kinabukasan ay nasa Ateneo naman ako at naghintay ng mga kakumperensiya.
Kasi nga, mabilis ang naging takbo namin
O mas maikli talaga ang biyahe sa mga expressway.
Puede ding maaga lang talaga kaming lumarga.
Whatever, may isang oras akong espasyo para pasyalan ang simbahan ni Gesu sa Ateneo na matagal ko nang planong gawin.
Ang siste, di ko dala ang pangsimbahan kong kamera.
Ganun na din 'yun.
Kahit na nasalag ang panawagan kong "Resign all!" at kailangan naming iwanang mag-isa si N sa pag-upak kay L.
Nagiging maligalig na ang mundo ng mga nangawala at nasalanta.
Sa dulo, masarap ang inihaing pansit ni Usec Fred pero nasapawan ito ng inahing isang bandehadong sashimi, isang bilaong sushi, isang palangganang sugpo, at isang wataw ng inihaw na malasuge sa aming hapunan.
Ala-una na ng madaling araw ako nakabalik sa Nueva Ecija.
Ganun talaga yun.

No comments:
Post a Comment