Salamat sa nag-imbento sa bisikleta.
Kung si Gian Gacomo Caprotti nga ba noong 1534 na estudyante ni Leonardo da Vinci, o si Baron Karl von Drais noong 1817 na isang Duke mula Alemanya, o si Dennis Johnson na tiga London noong 1818, o ang panday ng Scotland na si Kirkpatrick Macmillan na noong 1839 ay lumikha sa unang de-pedal na bisikleta.
Sila na ang magdesisyon kung sino sa kanila ang tunay na siga.
Ang mahalaga sa akin ay may pantunaw ako sa mga nakakain at naiinom nang sobra, may pambasag sa bugnot ng maghapon na pagtitipa sa lap top, at may pangontra sa ngitngit na likha ng mga mahirap kausap.
Medyo abnormal yata at nakakapraning din ang "work-at-home" pero katulad nga ng nasabi ko na, nakakasingkaw naman ako sa totoong bisikleta at nakakapadyak sa mga totoong bike trail.
Aprub!

No comments:
Post a Comment